Bawal na pag-iibigan

1.2K 4 0
                                    

Bawal na pag-iibigan

"Hi po sa mga admin at readers. It's my first time to post my story and hope you like it guys. Muah.

Sophomore ako nun ng makilala ko siya. Hindi ko alam pero biglang nagiba yung tibok ng puso ko. Yung biglang bumilis. Akala ko wala lang yun pero paglipas ng mga araw sa tuwing nakikita ko siya ay nagiiba yung mood ko. Lagi ko ring hinihiling na makita ko siya. Sign na pala yun na may gusto ako sa kanya.

Isang araw habang nakaupo sa may court at walang kasama ay biglang may tumabi sa akin. Una ay di ko pinansin pero laking gulat ko kasi siya yun. Oo siya yung katabi ko kaya biglang nagpula ang pisngi ko. Tapos naging close kami (pinaikli ko na kasi maraming nangyari bago kami naging close) hahahaha.

So yun nga, lagi kaming sabay kumakain. Btw. Pareho kami ng course kaya ganun. Tapos lagi ko siyang hinahatid sa kanila kaya close ko na yung pamilya nya. Lagi din kaming magkatext at magkatawagan. Pero never kong pinahalata sa kanya na gusto ko siya.

One time, may nagtanong samin kung kami ba dahil sobrang close daw namin at lagi daw kaming magkasama. Pero syempre hindi sagot ko. Pero deep inside sana kami na nga lang. Hahaha.
*fast forward

Umamin na ko sa kanya na gusto ko siya kasi di ko na kaya pang itago. At laking gulat ko kasi sabi nya gusto rin nya ko pero di nya lang masabi kasi ayaw nyang masira ang friendship namin.

Laking tuwa ko nun kasi pareho kami ng nararamdaman. Pero pagkatapos nun ay may mga kataga pa siyang binitawan na kung saan ay nadurog ang puso ko at napalitan ng lungkot ang saya ko.

S: gusto rin kita at di ko lang sinabi sayo kasi ayaw kong masira ang friendship natin at GUSTUHIN KO MANG MAGING TAYO AY DI PWEDE. PATAWAD M*** SINABI KO NA RIN SA MGA MAGULANG KO YUNG NARARAMDAMAN KO SAYO PERO SABI NILA WAG KO NA LANG DAW ITULOY DAHIL BAWAL. BAWAL TAYO. Pasensya na. Sana maging magkaibigan parin tayo.

Ang sakit sakit. Sa tuwing naaalala ko yun nadudurog yung puso ko. Takte naman kasi e. Magpapaconvert sana ako kaso ayaw ng mga magulang ko. Nagalit sila sakin dahil magpapalit ako ng relihiyon ng dahil lang sa isang babae e marami naman daw jan. Hay naku.

Pero ngayon, masaya na ko sa buhay ko. Meron na rin akong girlfriend at 5 years na kami. At balita ko siya ay may bago na rin at malapit na silang ikasal. Best wishes sa inyo."

Asdfghjkl
9284
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon