What they deserve

3.1K 51 3
                                    

What they deserve

Hindi mo dapat siya sinisigawan bagkus, isigaw mo sa lahat kung gaano mo siya ka-mahal. Hindi mo dapat siya pinapaiyak, bagkus paiyakin mo siya ng dahil sa tuwa ng puso niya. Hindi mo dapat siya binubugbog, bagkus bugbugin mo siya ng matatamis na halik sa kanyang pisngi o mga salitang magpapakilig sa kanya. Hindi mo dapat ipinaparamdam sa kanya na hindi siya perfect, bagkus iparamdam mo sa kanya na kahit alam niyang hindi siya perfect tanggap mo lahat ng imperfections niya. Hindi mo dapat siya sinasakal, bagkus sakalin mo siya ng mahihigpit mong yakap kapag nilalamig siya. Hindi mo dapat siya minumura, bagkus murahin mo lahat ng mga lalaking nambabastos sa kanya. Hindi mo dapat siya hinahayaang mag selos sa iba, bagkus hayaan mong mag selos ang ibang mga babae sa kanya. Hindi mo dapat dinededma ang mga efforts niya, bagkus doblehin mo lahat ng efforts na ginagawa niya. Hindi mo dapat siya sinasabayan kapag galit siya, bagkus intindihin mo ang pinanggalingan ng galit niya.

Minsan mahirap gawin pero kung mahal mo talaga ang babaeng iyan, gagawin mo.

Men talk
2010
Other
FEU Makati



The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon