"Bakit hindi mo 'ko ginising?!"sabi ko kay Bea.
"You didn't tell me to wake you up naman eh."sabi niya.
Ugh. Nagmamadali lang akong nag-ayos tapos umalis na rin ako ng condo. Sobrang swerte ko lang din kasi coding ako ngayon at hindi rin ako makapagbook ng Grab. Kaya no choice ako kundi maglakad at mag-abang ng taxi. Kaso wala ring taxi. Ganon 'ata talaga. Kapag nasimulan ka talaga ng malas sa umaga, tuloy-tuloy na siya. Nakita ko na may paparating ng taxi kaya nagmamadali na akong lumapit pero bigla namang may bumangga sa 'kin.
"ANO BA YAN! DI NAG-IINGAT!"sigaw ko.
"Sorry naman. Nakaharang ka kasi eh."sabi niya. Aba teka.
"Ang laki ng daan tapos ako pa sasabihan mo ng nakaharang?!"sabi ko sa kanya. Bwisit na 'to. Mainit na nga yung ulo ko dadagdag pa.
"Look miss, late na ako. Wala akong oras para sa'yo. Nag-aantay na yung taxi ko."sabi niya.
"Hoy anong taxi mo! Ako ang pumara dyan!"sabi ko sabay hinila ko siya palayo.
"Bitawan mo nga ako! Sasaktan na kita eh."sabi niya.
Binuksan ko na yung pinto ng taxi pero nagulat ako nung bigla na lang may humila sa 'kin pabalik. Grabe ang lakas! Ang payat niya pero grabe ang lakas. At dahil ayaw niya akong tigilan, tinapakan ko nang malakas yung paa niya."Aray!"sabi niya tapos binitawan niya ako at sinubukan nya hawakan yung paa niya.
"Buti nga sa'yo!"sigaw ko tapos sumakay na ako ng taxi.
Ang kapal din naman ng mukha niya samantalang ako naman talaga ang tumawag ng taxi.
Pagpasok ko ng office, nakita ko na lahat ng officemates ko napatingin nung binuksan ko yung pinto. Kaya ayoko ng late ako eh. Nakakainis talaga 'tong araw na 'to."Girl, ngarag na ngarag? O kape."sabi sa 'kin ni Ria habang inaabutan niya ako ng kape. Hay. "Bakit ka ba kasi late?"
"Ang galing kasi di ako nagising sa alarm ko."sabi ko sa kanya.
"Ang sabihin mo, senglot ka kasi kagabi."sabi ni Nicole.
"Baks, I'm not." Pero naparami din talaga kami ng inom kagabi. Pero para wala akong hangover, uminom na ako ng maraming tubig kagabi palang.
"Ako pa ba lolokohin mo Patricia? Magready ka na dyan. May meeting daw tayo ng 10."sabi ni Nicole tapos bumalik na sila ni Ria sa pwesto nila.
Sobrang dami ko nanamang trabaho kaya di ko na halos napansin yung oras. Dalawa naman kasi kami dapat for the role, pero dahil nagresign yung dating kasama ko, naiwan ako to do most of the work. Pero sana talaga yung music producer na pinili ni Dad magstart na para makahinga naman muna ako. Maya maya nakatanggap ako ng text galing kay Mama na mag-meet na lang kami sa Glorietta for dinner. Kaya after office, dumerecho na ako dun.
Pagdating ko sa resto, nakita ko na may ibang kasama sa table sila Mama. Wala naman siyang nabanggit na may kasama pala kaming iba. Pagdaan ko sa may salamin, nakita ko na ang haggard ng itsura ko kaya dumerecho na muna ako ng cr para makapag-ayos man lang. Kinuha ko yung cellphone ko at nagtext ako kela Nicole na nakarating na rin ako ng Glorietta at dahil hindi nga ako nakatingin, nabangga ko tuloy yung nasa harap ko.
"Sorry."sabi ko. Pagtingala ko nagkatinginan lang kami nung babae.
"IKAW NANAMAN?!"sigaw namin nang sabay.
"SINUSUNDAN MO BA AKO?!"sigaw namin ulit.
"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!"sigaw namin ulit.
"Hoy excuse me. Kahit sa panaginip ko hindi kita susundan."sabi ko sa kanya.
"Alangan namang ako ang sumusunod eh tingnan mo nga ikaw ang nasa likod ko."
"Excuse me galing akong cr. At ayan ka nakaharang."sabi ko sa kanya. At hello, bakit naman kita susundan?!"
"Aba malay ko sa'yo. Alam mo miss, sanay naman ako sa mga stalker eh. Pero sana maging discrete ka naman about it para hindi ka nahuhuli."sagot niya. Ay wow. Napakayabang. May itsura sana conceited lang.
"Alam mo, wala akong time para sa mga mayayabang na katulad mo."sabi ko sa kanya sabay nilampasan ko na siya. Hindi talaga matapos kamalasan ngayon eh 'no?
Habang naglalakad na ako papunta dun sa mesa namin, napansin ko na nakasunod naman siya sa 'kin. Ako pa talaga tinawag niyang stalker ah. Bigla akong huminto sabay lumingon ako at nasa likod ko nga siya. At dahil nakatingin din siya sa cellphone niya, muntik na siya sa 'kin tumama.
"Tingnan mo na! Ikaw ang sumusunod sa 'kin!"sabi ko sa kanya.
"Wag kang feeler miss. Babalik lang ako ng table ko."sabi niya sabay tumingin na siya ulit sa cellphone niya.
Hindi na siya gumalaw kaya hindi ko na siya pinansin. Naglakad na ako ulit at nung nakita ako nila Mama, agad naman nila akong pinakilala sa kasama niya.
"Ay ayan na pala siya. Trish, ito si Cynthia. Kaibigan ko siya since high school."sabi ni Mama. Nagmano ako sa kanya tapos umupo na rin ako.
"What the hell?" Napatingin ako at nakita ko nanaman yung babaeng kanina pa sumusunod sa 'kin. "Kilala mo siya?"sabi niya kay Tita Cynthia.
"Aji. Sit down please."sabi ni Tita. Teka lang.
"So I guess, nagkakilala na kayo."sabi ni Mama sa kanya. She kept quiet pero umupo na lang din siya. Inantay lang namin yung pagkain na maserve. Habang kumakain kami, nagkwentuhan lang sila Mama at si Tita Cynthia. This day is so messed up.
"As we were saying, magkaibigan na kami ni Cy since high school at nagkikita rin kami every year pero madalas dito na sa Manila to reconnect kasi masyadong malayo ang Laguna at hindi rin naman ako makaakyat ng Baguio."sabi ni Mama.
"And since we're all here, I think it's time we let you know why we are having this dinner."sabi ni Mama.
"Matagal na namin napag-isipan to and at first we had our doubts and we had our worries. But after giving it much thought, we have finally reached our decision."dagdag niya. Ang seryoso naman ng tono ni Mama.
"We have decided to arrange for you two to get married."