Part 172

426 8 0
                                        

I think Agnes and I stayed there a bit longer just hugging each other. Wala naman na sa 'ming nagsasalita, pero ayoko pa rin munang bumitaw. It was nice welcoming the New Year like this. To be home, literally and figuratively.

Narinig namin na tinatawag na kami sa baba kasi may pagkain na raw kaya we broke off from our hug. Papunta na ako sa pinto when Agnes slipped her hand into mine and intertwined her fingers with mine. As quick as it happened, ganon din kalakas bigla yung tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa 'kin?

"Just a few seconds wifey."sabi ni Agnes as we made our way papunta sa hagdan pero bago kami bumaba, bumitaw na rin siya.

"O why?"tanong ko sa kanya.

"Wala. Nahihiya lang ako."sagot niya.

"Meron ka pa pala nun?"

"Grabe ka naman sa 'kin wifey. Gusto mo bang hawakan ko kamay mo kahit sa harap ng parents mo?"tanong niya. Bigla akong natigilan kasi narealize ko na medyo awkward nga kung gagawin namin yun. Not that they would mind, but parang ang weird nga lang.

Pababa na kami nung sinalubong kami ni Max kaya kinuha ko siya at binuhat tapos nilapit ko yung mukha niya kay Agnes. Akala ko nung una iilag si Agnes pero hindi siya umilag kaya natawa ako nung dinilaan siya ni Max sa mukha.

Habang karga ko si Max, naglalakad ako paatras papunta sa upuan ko habang nasa harap naming dalawa si Agnes. Umaatras pa rin ako habang nakatingin ako kay Agnes. She was just smiling at me pero alam kong nakatingin siya sa likod ko tapos bigla kaming nagkatinginan, at nagulat ako nung biglang hinawakan ako ni Agnes sa may bewang...

At biglang hinila palapit sa kanya.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon