Part 113

381 6 1
                                    

Narinig ko na kumakain na sila sa baba, kaya nagising ako at bumaba na rin. Naalala ko nanaman yung mga nangyari kagabi. I know that it wasn't what Charlie expected, kasi kahit ako hindi ako makapaniwala na yun din ang isasagot ko sa kanya. Dead stars. How could I have missed it? Or maybe I didn't. I just refused to believe it.

"Tricia, saan ka ba galing kagabi?"sabi ni Dad. Hindi ko pala nasabi sa kanila na inaya akong lumabas ni Charlie.

"May mineet lang na friend dad."

"Hindi ba alam ng friend mo na kakauwi mo lang from the States at sana nagpahinga ka muna?"sabi niya. "And who were the roses from?"

Hindi na ako sumagot pero nakita ko na nasa vase na yung mga bulaklak at may katabing sunflowers. Weird. I don't remember having sunflowers there. But then again, hindi ko naman napapansin mga nilalagay ni Mama na bulaklak dun. I sat down para kumain. Habang kumakain, naamoy ko yung kape kaya kumuha ako nang para sa 'kin. Pero the moment I tasted it, nahinto ako.

Kape ni Agnes 'to.

"Nagpunta ba dito si Agnes?"

"Oo ate. Dumaan si Ate Agnes dito kagabi."sagot ni Bea.

"Hinanap niya ba ako?"

"Well, oo. Bigla ka naman kasing nawala kahapon ate. Akala ko nga siya kasama mo."

"Anong oras siya dumating?"

"Hindi ako sure eh. Pero inantay ka nya kagabi, kaso nung hindi ka pa rin umuuwi, ayun umalis na siya."

"Bakit di niyo ko tinext na andito pala siya?"

"Ate, andami kong text sayo. Chineck mo na ba phone mo?"

I checked my phone and napansin ko na naka-off pa rin pala siya. I haven't switched it on since we arrived. Pagbukas ko, sunod-sunod na pumasok yung mga messages. Ang dami ngang text ni Bea. At may text din si Agnes.

Wifey, are you still in the airport? I'll pick you up! I have coffee :) Heard from mama na you're coming home. Wait for me okay?

Di ka nasagot. :( Have you landed already?

Traffic wifey. :(

I think nagkasalisi na tayo. Nevermind. I'll go to your house na lang. See you in a few!

Bigla akong nalungkot. Andito pala si Agnes. And she was supposed to pick me up. Nag-ayos na ako at nagdecide na pumunta na ng condo namin. Pagdating ko dun, nakita ko na nakabihis si Agnes.

"O, you're leaving?"

"Welcome back."sabi niya.

"How did you know na nakauwi na ako?"

"Sinabi ni Mama na kahapon flight niyo."

"Bakit di ka tumawag na nasa bahay ka pala?"

"I... Ayoko kasing istorbohin yung date mo with Charlie. And it looked quite important."sabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. She was there. I knew it was her car.

Nakita niya siguro nung pinuntahan ako ni Charlie. Her tone sounded different. She wasn't happy, but she wasn't angry either. Hindi rin yung kind nung nag-away kami sa Catanduanes.

Sadness. That's what she sounded.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon