I felt myself blush. Ano bang nangyayari sa 'kin? Hindi pa rin siya masyadong makadilat at inaantok pa rin nga siguro siya.
"Puro ka kalokohan ang aga-aga pa."
"Are you feeling better?"sabi niya tapos bigla siyang tumingin sa 'kin. Bakit bigla akong naconscious? Pero tumango lang ako at pumikit ulit si Agnes.
"Get up na. We need to get ready para hindi tayo malate."sabi ko sa kanya pero ayaw pa rin niyang tumayo kaya hinawakan ko na siya sa braso at pilit ko na siyang hinihila. Pero natigilan ako when she gripped my hand.
"Pat." Her voice was soft but it sounded so stern.
"What?"
"Promise me that you'll wake me up when you get nightmares. Okay?" I nodded and kumapit sa 'kin si Agnes ng mahigpit para makabwelo siya sa pagtayo. She made her way sa kitchen para mag-init ng tubig tapos naghilamos na rin siya. She just made our coffee tapos nagready na rin kaming dalawa. After namin mag-ayos, nilabas ko na galing sa kwarto yung mga gamit ko.
"Iiwan mo na ba ako?"tanong ni Agnes.
"Ha? Bakit?"
"Eh dala mo na 'ata yung buong condo eh. Pack light wifey."sabi niya.
"Mahirap na kasi na may maiwan."sabi ko sa kanya. "At bakit ka ba, ako naman magdadala nito."dagdag ko.
"Para kasing hindi ka na uuwi sa dami ng dala mo." I rolled my eyes. Then Agnes did her usual sweep of the condo and locked our unit. Pag dating namin sa elevator, nakita namin na under maintenance kaya kailangan naming mag-stairs. Napakaswerte.
Kaya habang naglalakad kami pababa ng hagdan, binuhat ko yung maleta ko habang na kay Agnes naman yung keyboard ko. Tama nga si Agnes. Ang bigat nga ng gamit ko. Pambihira. Pawis na pawis na ako hindi pa kami nakakaalis. Nagulat ako nung huminto si Agnes sa paglalakad.
"O what?"tanong ko sabay inalis niya yung bag niya at yung bass niya mula sa balikat niya.
"Hawakan mo 'to."sabi niya tapos inabot niya pareho then she took my luggage at bumaba na.
"Huy. Akin na yan! Mabigat yan. Sabi ko naman sa'yo ako magdadala ng gamit ko di ba?"sabay inaagaw ko sa kanya yung maleta pero pilit namang iniiwas ni Agnes yung maleta ko from my reach.
"Wag ka na ngang magulo dyan."sabi niya habang iniiwas niya pero inaabot ko pa rin. Pero nahinto ako nung biglang lumingon si Agnes sa 'kin at muntik na niya 'ko mahalikan.
"Sabing wag kang magulo eh."sabi niya tapos binuhat niya na ulit yung maleta at bumaba. Namumula pa rin 'ata ako. Langya talaga.
"Eh kasi ang bigat nga nyan!"
"Sabi kasi sa'yo pack light eh."
"Eh baka nga may maiwan kasi. Pati hindi ko naman sa'yo pinapabu--"
"Matitiis ba naman kita?"