Tumawa lang si Agnes at sabay na kaming pumasok. Medyo marami rin talaga kaming ginagawa at sobrang busy rin talaga namin ngayong week na 'to. Bigla kong naalala na pinapauwi ako ni Papa bukas ng Laguna dahil may kailangan kaming isettle na project with a client na taga South. Pumayag naman ako kasi it was at least an excuse to be away from Agnes for a few days.
"Uy Pat. Di ka daw macontact ni Migs, pero sabi ko sa kanya kasama ko naman kayo ni Agnes."sabi ni Jam.
"Why? What's up?"
"Gig daw ulit if g kayo."
"Kelan?"
"Next week. And may MV shoot din daw tayo."
"Sige g ako. Tanong mo na lang si Agnes if okay siya."
"G din daw siya."sabi ni Jam. Tumango lang ako.
Uneventful lang naman din kami sa office at sa sobrang daming projects, halos tahimik din si Agnes sa maghapon. Seryoso siya and somehow naisip ko na buti na lang. Kapag kasi makulit siya hindi talaga ako nakakatapos ng gagawin.
"Wifey."
"Hm?"
"Sobrang seryoso mo naman dyan. Ngiti ka naman."sabi niya tapos ngiting-ngiti siya. Kumunot lang yung noo ko sa kanya in response. Wala akong time talaga today.
"Sungit."
"Bago ka?"sabi ko sa kanya kaya bigla siyang nag-peace sign. Tapos bumalik na rin siya sa ginagawa niya.
"Agnes, you'll manage naman di ba?"
"Ha? Why?"
"I need to stay sa Laguna kasi for a week."
"Iiwan mo ako?"sabi niya sabay nagpout siya. Why does she look cute with that face?
"You'll manage di ba?"sabi ko sa kanya.
"Bakit, if I can't, di ka na ba aalis?"
"Hindi."
"Why are you even asking if I can manage? And is that concern I hear?"pang-aasar niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.
"You can stay pala sa kwarto."sabi ko sa kanya. "Para makatulog ka nang maayos."
"Talaga?"sabi niya. Tumango ako.
"Sure ka bang 1 week ka lang sa Laguna?"
"Bakit mamimiss mo 'ko?"tanong ko sa kanya.
"De sasabihin ko sana habaan mo pa eh. Kahit dun ka na nang buong buwan."sabi niya. Bwisit talaga 'to kahit kelan eh.
"Ganon? Di mo na 'ko love?"sabi ko sa kanya. "Ayaw mo na akong makita?"
"Di naman talaga kita mahal."
"Aray naman."sabi ko sa kanya.
"Pero wifey."
"Ano?"
"Behave ah."
"Behave ka dyan! Nasa bahay ko ako. Ikaw dyan ang umayos at baka kung sino-sino dalhin mo sa condo natin!"sabi ko sa kanya.
"Kumalma ka. Behave ako. Ako pa ba? Pero wifey, pwede ba akong magrequest?"
"Sige ano yun?"
"Pwede bang ihatid kita?" Bigla akong napatingin kay Agnes and she was serious. Ano nanamang naisipan niya?
"Ha? Why?"
"Eh kasi you're stressed today and you look tired. Tapos late na tayo makakapag-out, baka mamaya mapano ka lang sa daan."sabi niya.
"Wow. Is that concern I hear?"pang-aasar ko sa kanya. I glanced at her and napansin ko na nakatingin siya sa 'kin. She wasn't even smiling. Why is she so serious?
"Hindi naman siguro masamang mag-alala ako sa'yo di ba?"