Part 78

365 9 0
                                    

Nasa QC ulit si Agnes today kaya sabi ko sa kanya na magdadala na lang ako ng kotse. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung makakauwi ba ako ng maaga dahil may client presentation pa rin kami dito sa office.

Pinatawag na kami ng boss ko para magpresent and pinapanuod na namin sa kanila yung project namin. Pero nung natapos kami, ang dami nilang comments and ang daming pinaparevise nung client. Siguro dahil sa pagod na rin at sa puyat, after the presentation, there was this heavy feeling inside me at gusto ko na lang talagang maiyak at sumabog. Feeling ko lahat ng effort na ginawa namin para sa project na 'to nasayang lang.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong sumabog. I took out my phone and nagmessage ako kay Charlie. Hindi ko alam kung bakit pero siya yung naisip ko kasi siya yung andito. Gusto ko sanang kausapin sila Nics but I feel like hindi sila yung kailangan ko today.

Available ka ba today? Sabay tayo maglunch. •

• Hala. Sorry I'm not available. I have lunch meeting today. Why? What's wrong?

I'm tired. I'm stressed. I'm hungry. I'm super annoyed and I don't know what to do anymore. I just want to talk to someone. •

Why? What happened?

Work happened. :( •

Aww. Kaya mo yan. Laban lang. Ikaw pa ba? Let's meet later. Meryenda tayo.

Okay, okay. See you later.

Feeling ko hindi pa rin ako okay. Naiinis pa rin ako and somehow feeling ko walang kwenta lahat ng pinagpaguran ko for the past days. Alam ko na gusto lang nilang mapaganda yung project but somehow it made me feel tired. Parang lahat nagcollapse. I took out my phone and I texted Agnes. Alam kong nasa meeting din siya but I'm hoping that the more I vent out, the better I would feel.

Ugh.

• Sunduin kita?

Hindi ko alam bakit hindi ko na alam sasabihin ko kay Agnes kasi alam ko naman na malayo siya. And even if magdrive pa siya ngayon papunta dito, matatraffic lang siya at hindi rin naman agad siya makakarating. Nahihiya na rin naman ako dahil last time pinuntahan niya rin ako. May ilang minuto pa naman bago mag-12 pero hindi ko na kayang mag-antay. Feeling ko sasabog na ako anytime. So I took my things and bumaba na ako ng lobby.

Pagbaba ko ng lobby, I was surprised when I saw Agnes there. Japanese food on one hand and a sunflower on the other. And with no hesitation and warning, I ran to her...

At yumakap ako sa kanya.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon