Part 151

382 7 0
                                    

"Mukha mo. Goodnight na nga."

"Goodnight wifey. See you tomorrow."sabi niya.

Bumaba na rin ako at ngumiti lang din ako sa kanya. Habang pinapanuod kong umalis si Agnes napangiti na lang ako. Wala pa nga pero kinakabahan na agad ako.

Ano kayang mangyayari sa date namin nito? Makakatulog nga kaya ako?

Nung tumunog yung alarm ni Nicole, hindi ko sure kung inantay ko lang ba yung tumunog o kung nakatulog nga ba ako. Bigla akong kinabahan dun sa idea na magde-date kami ni Agnes ngayon. Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan eh. And I know na malamig sa Baguio pero feeling ko lalo akong nilalamig. Lordt. Bakit abot anit ang kaba ko?

Nagrequest ako na mauuna akong maligo kasi hindi ako makapagdecide kung anong isusuot ko. Bakit ba ako nag-aalala kung anong isusuot ko samantalang nakikita naman ako ni Agnes na nakapambahay lang?

Mukhang nahalata nila Nicole na stressed ako kaya tinulungan nila akong mamili ng damit. Pero narealize namin na pointless din naman kasi sa sobrang lamig, matatakpan lang din naman ng jacket. Nung feeling ko okay na ako, bumaba na kami sa lobby and nagtataka ako kung bakit wala si Agnes dun.

Nakalimutan niya ata kaming daanan ah.

And since late na kami para dun sa mass, nauna na kaming pumunta sa simbahan. Itetext ko sana siya kaso magsisimula na yung misa nung dumating kami.

Paglabas namin, medyo maliwanag na sa labas dahil nagsisimula na sumikat yung araw. Pagcheck ko ng phone ko, nakita ko na may message si Agnes na nag-aantay siya sa gilid nung simbahan. At dahil mas kinikilig pa nga mga kaibigan ko, literal na pinagtulakan nila ako papunta dun sa gilid nung simbahan.

At andun nga siya.

Agnes was sitting down by the bench and she was wearing this white top. Hindi ko alam bakit pero the moment na she looked at me parang huminto yung oras. I saw her looking and she gave me this small smile. Everything fell silent and for a few seconds I swear my heart also stopped. Nasisinagan ng araw yung half ng face niya and that glow was enough to make me swoon. How can she look so beautiful?

Those eyes. I'll never get tired of looking at them. And I can't help but just look at it. I might have said it a million times but if you don't want to be trapped, never look at her eyes. Nagulat lang ako when she handed me a bouquet of sunflowers.

"Good morning wifey."sabi niya.

"Paano friends? Bye na. See you tomorrow or tonight baks. Ingat kayong dalawa."sabi nila Nicole tapos bumeso na sila sa 'ming dalawa at nagmamadali silang umalis. Napailing na lang ako.

"Cute ng friends mo. Supportive."sabi ni Agnes. I just smiled. Parang wala akong words. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya. Why can't I words?

"Wifey? Okay ka lang?"sabi ni Agnes. I nodded.

"Thank you dito sa flowers."

"Sure. Sorry pala hindi ko kayo nasundo ah. Late ako nagising buti nga umabot ako sa mass. And I just waited for you outside na lang."sabi niya. "Shall we?"sabi niya then she held out her hand kaya hinawakan ko yung kamay niya habang inaalalayan niya ako pababa.

"Is this okay for you?"sabi niya tapos umakbay siya sa 'kin.

"Free pass para sa 1-day trial period."sabi ko sa kanya. She just smiled in response.

"Tinitingnan yata tayo ng mga tao."sabi ko sa kanya nung napansin kong may mga sumusunod sa 'min ng tingin.

"Dapat lang naman. You're dating me eh. Of course they would look."sagot niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo."sabi ko sa kanya. But somehow that made me relax a bit. Hindi ko alam kung bakit ba ako nag-ooverthink.

"So, inisip ko magbreakfast muna tayo then let's go around."sabi niya tapos inalis niya na yung pagkaka-akbay niya sa 'kin. Pero habang naglalakad kami, sakto naman may nadaanan kaming nagbebenta ng bibingka pati puto bumbong. Bigla tuloy akong nagutom. Kaso baka nakapagready na ng breakfast si Tita Cy.

Nagulat ako nung hinawakan bigla ni Agnes yung kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Gutom na 'ko. Kumain muna tayo. Gusto kong puto bumbong."sabi niya.

"Bibingka na lang."sagot ko. Ewan ko, mas gusto ko lang yung bibingka eh. At mas madali kainin kesa yung puto bumbong.

"Bakit bibingka? Mas masarap yung puto bumbong."

"Eh ang messy. Sige na. Sagot ko na. Bibingka na lang."sabi ko sa kanya.

"Eh bakit hindi na lang bibingka sa'yo tapos puto bumbong sa 'kin?"tanong niya.

"Bahala ka na. Basta gusto ko ng bibingka."sabi ko sa kanya.

"Fine. Sige."sabi ni Agnes. "Bibingka na lang din sa 'kin kasi yun gusto mong kainin ko eh."dagdag niya.

Umorder lang siya and kumain kami dun sa tabi. May mga maliliit kasing mesa at upuan dun sa tabi nung mga nagbebenta ng bibingka and we just decided to stay there. Bumili din si Agnes ng kape para may iinumin naman kami. The warmth of the coffee felt nice in contrast sa lamig ng Baguio. Kaya I wrapped my hands around my cup para mainitan.

Habang nakaupo kami dun, kinukwentuhan lang din ako ni Agnes tungkol sa ilang childhood memories niya about Baguio. About how she usually spends Christmas with her siblings. And kung saan siya tumutugtog dati.

Pero bigla akong natigilan when she suddenly lifted her thumb at pinunasan yung gilid ng bibig ko.

Sa sobrang gulat ko hindi agad ako nakapagreact. Ganito pala yung feeling nung bigla ko ring pinunasan yung bibig niya. Pero nung medyo bumalik na ako sa wisyo, iniwas ko yung mukha ko at pinunasan ko yung bibig ko.

"Sorry. Ang dugyot mo kasi eh."sabi niya.

After namin kumain, naglakad lang din kami ni Agnes. Nagdecide kaming pumunta sa Camp John Hay. Habang naglalakad kami, I realized na sobrang unfit ko dahil hingal na hingal ako sa kakalakad. Pero bukod dun, narealize ko na simula pala nung bumili kami ng almusal hanggang ngayon, magkahawak pa rin kami ng kamay ni Agnes.

Her hand felt warmer this time. And I think pati yung pisngi ko uminit from that touch. Her hand felt extremely familiar. As much as hugs would often feel. There's this softness in Agnes's hand that is unmistakable yet nararamdaman ko rin yung mga kalyo ng daliri niya from playing.

My hand felt secured in hers and somehow mine just fits perfectly with hers. Like when she locks her fingers with mine, sigurado akong hindi ko na maaalis yung mga kamay ko. Pasmado nga yung mga kamay ni Agnes pero parang mas pinapawisan ako sa kaba. Napansin na ata ni Agnes na magkahawak pa rin kami kasi binitawan niya yung kamay ko.

"Sorry, di ko napansin na magkahawak pa pala tayo."sabi niya.

"Agnes."

"Yeah?"

"Can I hold on to your hand a little longer?"sabi ko sa kanya. And nakita ko na napangiti si Agnes.

"I think you can hold on to it as long as you want."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon