Sa sobrang tagal ko dun, unang nawala yung hazard ko, and dahil power windows, hindi ko na rin mabuksan bintana ko. Tiningnan ko yung relo ko and I was surprised na halos 11 na pala. Grabe may isang oras na akong andito. And to make things worse, lowbatt na ako.
Nung tumila yung ulan, bumaba na rin ako ng sasakyan. Wala nang dumadaan na sasakyan pero buti na lang may ilaw naman yung poste. Maya maya nakita ko na may paparating na sasakyan and when I realized na familiar yung plate number, bigla akong nakaramdam ng kaba. Tumigil yung sasakyan sa harap ko at pinatay yung headlights. Maya maya bumaba na siya at kita ko sa mukha niya na seryoso siya. Paano niya nalaman kung nasaan ako? Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit so mukhang hindi pa siya nakakauwi.
"Anong nangyari?"tanong niya.
"Naiwan ko kasi na naka-accessories yung kotse habang nasa traffic. Nung iistart ko na ayaw na."sabi ko sa kanya.
"Open your hood."sabi niya. Tiningnan ko lang siya. "Tatayo ka lang ba dyan? Open your hood. I'll get my cables."sabi niya. Sumunod na lang ako sa instructions na sinabi niya. Maya maya inistart ko na yung sasakyan at nagstart na siya.
"That won't last long. Enough lang to get your car home."sabi niya. Seryoso pa rin si Agnes. "Buy your battery once we get back or ibilin mo sa inyo."dagdag niya habang inaalis niya yung cables. I wanted to ask her paano niya nalamang andito ako.
"Nasa'n yung kasama mo?"tanong niya. Feeling ko namumutla ako sa tanong niya. I never told her na si Charlie ang kasama ko tonight.
"Ah.. si Jam? Ano... ah... ano... pinauwi ko na siya kasi akala ko stuck na ako dito. Para maka--"
"Si Jam ang nagsabi sa 'kin kung nasa'n ka."sabi ni Agnes. Right. "Now, would you like to answer that question again?"
There was this sadness in her eyes that I can't pinpoint but I can tell that she's angry. And gaya nung last time, she was trying hard to control herself. But her anger is different from what I've seen last time. May kakaiba kay Agnes na hindi ko maisip kung ano.
"Agnes.. I'm so--"
"Get in your car Patricia."sabi niya. "I don't even want to discuss this right now."
Nagmamadali na akong sumakay sa sasakyan. Scary niya ma. Pagdating namin sa condo, hindi pa rin siya nagsasalita. She was just sitting by the couch nung pumasok ako. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o ano. First time kong nakitang galit si Agnes, well at least yung galit talaga siya sa 'kin. I've seen her annoyed or irritated or frustrated, but this, I've never seen her this way. She didn't raise her voice but her words felt heavy when she said it. I inched closer to her.
"Agnes..." I stopped. She just raised her hand and signalled for me not to talk. She took off her glasses and massaged her forehead with the other hand. I just heard her take a deep breath.
"Go and rest Pat."sabi niya tapos tumayo na siya at lumabas sa balcony. Hindi ko alam kung susundan ko pa siya pero nagdecide akong pumasok na lang sa kwarto ko. I don't even know what to tell her or if I should even tell her something. I guess I need to apologize pero where do I even begin.
Ano nang gagawin ko?
