Pabalik na kami ng Manila at sakto naman na nakita namin si Andrew sa SM kaya inaya na namin siya na kami na lang maghahatid sa kanya sa hotel niya. And since pauwi na rin naman at may madadaanan kaming market, nagsabi kami kay Agnes na dadaan kami dun para bumili ng coffee beans. At dahil feeling naman namin ni Andrew hindi kami magtatagal, sabi namin kay Agnes antayin na lang niya kami sa sasakyan. But nung dumating kami sa store, ang daming tao kaya antagal namin ni Andrew bago nakabalik.
Pagsakay namin ng kotse, tahimik lang si Agnes. Pero nung nagsabi si Andrew na magpicture kami, ngumiti siya pero alam ko na badtrip pa rin si Agnes. Nagdrive na siya at dinrop lang namin si Andrew sa hotel kasi andun yung kotse niya. Nagpaalam lang sa 'min si Andrew and bumaba na rin siya. Habang nasa byahe kami, hindi pa rin nagsasalita si Agnes. Alam kong naiinis pa rin siya sa tagal namin. After all, sino ba naman ang hindi maiinis kapag pinagantay ka ng isang oras?
"Sorry."sabi ko sa kanya.
"Okay lang."sabi ni Agnes habang hindi siya lumilingon sa 'kin. I held her hand.
"Aji, sorry na."sabi ko ulit sa kanya. She didn't remove her hand pero hindi rin niya hinawakan yung kamay ko. "We didn't know na sobrang daming tao."dagdag ko. I know that Agnes is not the angry type, pero kapag Agnes is scary silent, natatakot talaga ako.
"Wifey, I'm sorry."sabi ko sa kanya then I poked her cheeks. Nagulat 'ata si Agnes kasi bigla siyang napa-brake.
"Ang daya mo."sabi niya.
"What? What did I do?"tanong ko sa kanya. She sighed.
"Paano ako maiinis kung kinikilig ako sa'yo?" I smiled. Ako naman ata yung nagsisimulang kiligin. Agnes never told me na kinikilig siya sa 'kin. Not even when I told her na I liked her. I realized na ngayon ko lang siya tinawag na wifey apart from the time na sinabi ko yun nung nasa Catanduanes kami.
"Bati na tayo?"sabi ko sa kanya.
"May magagawa ba ako?"sabi niya. I smiled. And para hindi kami makatulog, sabi ko kay Agnes magpapatugtog na lang ako.