After namin mag Camp John Hay, sumakay na kami ng taxi papuntang Bencab. Habang nasa byahe kami, naglabas ng headset si Agnes at nagshare kaming dalawa. Habang nakikinig kami, I lightly drummed my fingers sa mga braso ni Agnes habang sabay kaming nagta-tap ng paa in time with the beat.
Pagdating namin dun, we just looked at the exhibits and Agnes held on to my hand as if she's holding on to dear life, habang nag-iikot kami. Paglabas namin, we just took a few photos together tapos bumalik na rin kami sa may city center. In fairness naman kay Agnes, marami siyang alam na mga hidden gems around Baguio kaya nagenjoy din naman akong kasama siya. Marami kaming inikutan and we took pictures.
Nag-eenjoy ako kasi super supportive ni Agnes sa hilig ko sa photography. Para kaming nagphoto-walk sa Baguio. At dahil spoiled ako sa kanya, binilhan niya ako ng bagong set ng films. Hindi pa nga daw niya sana ibibigay pero mukhang kailangan ko daw. Kaso habang naglalakad kami, bahing ako ng bahing dahil sa lamig. Nagulat ako when Agnes removed her hand from mine then she rubbed them together and pressed it against my cheeks.
"Para mainitan ka ng konti."sabi niya. "Let's buy you an inhaler."sabi niya sa 'kin nung napansin niyang sinisipon ako kaya pumunta muna kami sa mall. Pagdating namin dun, andun pa rin yung usual na dami ng tao but Agnes wrapped her arm around me para hindi ako masyado masagi ng mga kasalubong namin.
Habang namimili kami, may mga lumapit sa 'min para magpapicture. Minsan nakakaproud din kapag may mga nakakarecognize sa 'min but somehow kinakabahan din ako kasi baka may mga magpost at makita na magkasama kami ni Agnes. Nakaakbay pa naman siya sa 'kin. After namin sa mall, pumunta kami sa bahay nila para daw makapahinga muna kami saglit. I don't know what else Agnes is planning to do today, pero susunod na lang ako sa kanya.
Totoo rin naman kasing napagod na rin ako sa paglalakad. She made me stay sa sala nila while she disappeared dun sa kusina nila. Maya maya naamoy ko na may nagluluto na. Siguro nagre-ready na si Tita Cy ng lunch namin, kaya mukhang dito na kami kakain. Tumayo ako para tumulong sa kanila but I was surprised when I saw Agnes cooking. I just stood by the door frame and watched as she cooked.
"Anong ginagawa mo dyan?"sabi ni Agnes nung nakita niya akong nakatayo.
"I didn't know you can already cook?"
"Di ba sabi ko sa'yo marunong na ako? Tinuruan ako ni Andrew."sabi niya.
"So ano yang niluluto mo?"
"Yung first ulam na gusto kong matutunang lutuin."
"Which is?"
"Sinigang."sabi niya then she smiled. Alam kaya niya na paborito ko yung sinigang?
"Balik ka na dun. Go take a rest. Mamaya maglalakad nanaman tayo."sabi niya. I just nodded and made my way pabalik sa sala nila. Habang andun ako, lumapit sa 'kin yung bunsong kapatid ni Agnes and we just basically played and watched a movie together. Maya maya sumilip na si Agnes sa min para tawagin kami na kakain na.
Nagulat ako na pinaghila ako ni Agnes ng upuan. Well, ginagawa naman niya talaga dati pa yun, pero madalas nahuhulog ako o tinatamaan ako. Maybe Agnes really is different when she's here in Baguio. I find her to be more raw and honest. Nilagyan niya lang din ako ng pagkain. In fairness naman, masarap yung sinigang ni Agnes.
"Bakit naman sinigang yung gusto mong matutunang lutuin?"tanong ko sa kanya habang papunta kami sa sasakyan niya nung natapos na kaming kumain at magligpit.
"Kasi it's your favorite."sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit ako natigilan and I had to quickly recover kasi pinagbukas na ako ng pinto ni Agnes. Akala ko maglalakad nanaman ulit kami, but Agnes insisted in bringing a car this time papuntang Burnham. Baka daw kasi pagod na ako. Pagdating namin sa Burnham, sumakay kami dun sa parang swan nila. Hindi ko na maiwasang matawa kasi hindi kami gumagalaw dalawa.
Tawang-tawa lang din si Agnes kasi hindi namin alam paano kami makakabalik para bumaba. Pero eventually nafigure out din naman namin. After nun, nagbike kaming dalawa. Medyo natatawa lang ako sa kanya kasi ayaw niya akong pasakayin sa bike dahil wala daw akong protective gears so we ended up renting yung pang dalawahang single bike para daw sure siyang hindi ako mapapano.
Nung nakailang ikot na kami, inaya ako ni Agnes na magtry ng mga pagkain dun sa Burnham. Medyo marami kasing street food dun. Pero sa dami ng pagkain dun, mas nagustuhan ko lang bumili nung mangga. Kaso habang tinutusok ko yung mangga, nabutas yung plastic kaya Agnes has decided na siya na hahawak nung plastic para hindi ako malagyan sa damit.
I smiled at how caring Agnes can be. I guess being her girlfriend wouldn't be too bad.