Part 94

370 8 1
                                    

"Happy birthday Pachuchay!"sabi ni Dawn at ni Grace sabay bumeso rin sila.

"Huy thank you mga bakla. Pasok kayo, andyan na si Nicole."sabi ko sa kanila. "Feel at home. Di ko na kayo aasikasuhin at malalaki na kayo."

"Oo naman. Kami na bahala."sabi nila tapos pumasok na rin sila.

Hindi ko alam kung bakit, but somehow, I got disappointed. Well. Ine-expect ko naman talaga na hindi si Agnes yun. Pero ewan, parang ang empty ng feeling ko today. Siguro kulang lang ako sa tulog. Dumating na rin yung ibang mga bisita. May mga ininvite din pala si Papa from the office. After ilang minutes tumunog nanaman yung doorbell. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako na si Charlie yung nasa labas.

"Uy Charlie!"

"Happy birthday."sabi niya.

"Naaalala mo pa pala."

"Oo naman. We've been friends for so long, how can I forget?"sabi niya. I just smiled at her.

"Pasok ka. Halika, ipakilala kita sa ibang friends ko. Though andito na rin sila madam."sabi ko kay Charlie tapos sumunod lang din siya sa 'kin.

"Ay nga pala, Dawn, Grace, si Charlie."sabi ko sa kanila.

"Ay hello. So, ikaw pala yung jowa nitong si Pachuchay!"sabi ni Dawn. Lumaki tuloy yung mata ko. Nakita ko na namula si Charlie pero ngumiti lang din siya.

"Ah ano... Charlie, sorry pasensya ka na ha. Kumain ka na muna."sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at medyo natatawa pa ngang umalis.

"Stress akiz sa'yo bakla. Hindi siya yun okay? Kaloka ka bakla. Naloka talaga ako. Sabi ko naman sa'yo wala dito yung hinahanap niyo at nasa Sagada. And correction, di ko yun jowa."

"Ay kaya ka pala malungkot."sabi ni Dawn.

"Sinong may sabing malungkot ako?"

"Susko Pachuchay. Four years. Four years sa high school tayong magkakasama nila Grace. Lahat ng kiliti at baho mo sa katawan alam ko na. Bakla, sa sobrang close natin kulang na lang sabihin ko sa'yo bilang ng nunal mo sa katawan. Kaya kilala na kita. At yang pangiti-ngiti mong yan, hindi yan enough para itagong malungkot ka."

"Bakla ka, paiiyakin mo ba ako? Birthday ko di ba?"

"Tumawag man lang ba sa'yo?"

"Ewan ko. Hindi ko na nga alam nasaan ang phone ko."sabi ko. Oo nga 'no. Nasaan na nga ba yun? "Saglit nga. Hanapin ko lang muna." But then again I realized na hindi nga pala alam ni Agnes na birthday ko ngayon. Kasi hindi ko sinabi sa kanya and kahit yung band, kahapon lang din nila nalaman. Pero somehow nung tinanong ako ni Grace medyo umasa ako na sana bumati siya.

"O, hopia ng taon."sabi ni Grace. "May pagsabi ka pang di mo bet, may pagsabi ka pang di ka malungkot, pero hopia ka na baka bumati na sa'yo. Naku naku naku Pachuchay. Di ka pa rin nga graduate."

"Kayong dalawa konti na lang palalayasin ko na kayo eh."sagot ko tapos umalis na rin ako.

Nung nakuha ko yung phone ko, chineck ko agad kung may message or tawag ba si Agnes. Isang beses lang kasi sa maghapon pwedeng tumawag si Agnes and since busy sila sa shoot, hindi siya basta basta makaalis dahil pinapagalitan din sila nung director.

Kaya nung nakita ko na may missed call na siya, bigla akong nalungkot dahil mamayang gabi ko na siya ulit makakausap. Chineck ko kung may message ba siya sa 'kin pero wala rin. I tried calling her pero cannot be reached na siya. I frowned.

"O, bakit ka nakasimangot dyan? Birthday na birthay mo malungkot ka."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon