Part 129

387 4 0
                                    

Nakita ko nagulat din si Agnes sa nangyari kasi biglang lumaki yung mata niya at namumula pa rin siya.

"Sorry! Sorry!"sabi ni Agnes tapos nag-peace sign siya sa 'kin. "Spur of the moment."

"Ah... ano... ah. It's... it's okay. Basta ano, ingat ka. Ano... stop drinking na ah." I replied.

"Yeah. I would."sabi niya. Tapos tinapik ko siya sa balikat. Ano yun Patricia?

"Bye."sabi ko sa kanya tapos hindi ko alam kung bebeso ba ako sa kanya or hindi kaya we both stood there awkwardly.

"Sige na. Babalik na rin ako sa loob."sabi niya. I just nodded then nag-wave ako. Kaya naglakad na rin ako pababa and nakita ko from my peripheral na naglakad na rin siya pabalik.

I don't know why but somehow I feel compelled to look back. At sakto paglingon ko, lumingon din siya. She just smiled at me at di ko na rin napigilang ngumiti na lang. I waved back at kumaway lang din siya.

Sumakay na ako ng sasakyan namin and somehow I can still feel the kiss that Agnes planted on my cheeks.

Ano ba tong pabaong binigay mo Agnes?

Kinabukasan, nagising ako nung narinig kong may kumakatok sa pinto ko and when I heard it open, ang una kong naisip, baka si Manang pero napasigaw ako nung nakita ko si Agnes sa may pinto.

"ANONG GINAGAWA MO DYAN?!"

"Good morning."sabi niya habang nakangiti siya.

"What's this?"sabi ko sa kanya nung inabot niya sa 'kin yung dala niyang sunflowers.

"Flowers. Bulag ka ba?"

"Malamang. Why are you giving me these?"

"I thought your room needs color."sabi niya. "But now, I've seen you've changed it. I like your room. Yellow na lahat."dagdag niya.

I have decided to change the color of my room pagbalik namin galing ng LA. Hindi ko alam kung bakit pero nagustuhan ko na ring gawing yellow yung kwarto. Probably because the color reminds me of Agnes.

"Anyway, sorry I woke you up."sabi niya.

"Okay lang. Anong oras ka dumating?"

"Kakarating ko lang naman."

"Have you eaten breakfast?"

"Not yet. Magdrive thru sana ako earlier, but I feel like I've eaten too much fast food already."

"Akala ko ba mag-aaral ka na magluto?"

"Marunong na ako. But I'm too lazy to go buy groceries without you." I rolled my eyes.

"Fine. Let's go to the grocery later. Paano ka na lang kung wala ako?"

"Then hindi mo 'ko pwedeng iwan. My chances of survival becomes very minimal." I smiled.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon