Halos hindi ako makabangon nung narinig ko yung alarm ko na tumunog. Grabe sobrang antok na antok talaga ako. Nagcheck ako ng phone ko at nakita ko na nagmessage din pala si Jam sa 'kin para icheck kung nagising ba kami. Nagreply lang ako sa kanya at lumabas na rin ako ng kwarto. Paglabas ko, nagulat pa ako na nakaligo na si Agnes at nakapagbrew na rin ng coffee.
"Ang aga mo ah."sabi ko sa kanya.
"Can't sleep eh. So might as well, just get ready."sabi niya.
"You didn't sleep?!"
"I did naman. Medyo saglit lang BUT I'm okay."sabi niya kasi mukhang napansin niyang aawayin ko nanaman siya.
"Hay nako Agnes. I will drive. No buts."sabi ko sa kanya.
"Okay, okay. Chill. Let's eat na."sabi niya. "I bought bread na lang para di ka na rin magluto."dagdag niya.
After ng breakfast, sumakay na rin kaming dalawa sa sasakyan at pumasok na. Nagkape naman kami but I guess it wasn't strong enough kaya hikab ako ng hikab pagpasok namin ng office.
"Okay ka lang wifey? Do you want me to buy you coffee?"sabi ni Agnes.
"No need na. Okay lang naman ako."sabi ko sa kanya habang nilalapag ko yung gamit ko sa workstation. Pumunta naman si Agnes sa pwesto niya. Pag-upo ko, I realized na oo nga, kitang-kita nga namin ang isa't-isa sa pwesto niya. Naalala ko tuloy yung sinabi sa 'kin ni Jam.
"Si Jam wala pa? Borlogs pa?"sabi ni Nicole.
"Luh. Wala pa siya? Nagtext siya sa 'kin na gising na siya eh. Baka late lang."
"Bakit parang puyat na puyat naman kayong magjowa?"sabi ni Nicole. "Umamin ka baks. Anong nangyari sa inyo kagabi?"
"Huy ang aga pa bakla. Unang-una, di ko siya jowa. Second, may gig kasi kami kagabi baks. Kaya haggardo versoza sa early morning. Eh kasama rin namin si Jam so malamang puyat din yun."sagot ko.
"Luh. Di niyo man lang kami sinabihan para nakanuod kami."
"Next time baks. Promise. Feeling ko naman di pa last yun eh."
"K fine. Baks, may chika pala ako sa'yo."sabi ni Nicole.
"Anek?"
"Balita ko may nagkakagusto kay jowa from accounting ah."sabi niya.
"Kay Agnes? Akalain mong may nabudol siya."
"Baks, bet na bet nga daw si Agnes. And pretty si ate mong girl ha. Turo ko sa'yo later sa townhall."
"Kahit pretty pa siya, mas maganda pa rin ako sa kanya. Chars."sabi ko sabay ng pag-hairflip. Natawa na lang si Nicole.
"Ang kyondi."
"Charot lang baks, di ako interested okay? Kung sino man yang nagkakagusto kay Agnes, hayaan mo siya. Kung gusto niya, sa kanya na."
"Achuchuchu. Tigilan mo ako Patricia. Baka pag inaagaw na sa'yo yang jowa mo, iyak-iyak ka dyan."
"Excuse me. Hindi ako iiyak..."sagot ko sa kanya.
"...dahil hindi niya maaagaw si Agnes."dagdag ko.
Biglang nanlaki yung mata ni Nicole at ngiting-ngiti siya. Natawa na lang ako sa reaction niya.
"Chars."
