Part 118

425 8 1
                                    

Nagising ako sa tama ng liwanag sa mata ko. Ang sakit ng ulo ko grabe. Hindi ko na maalala paano ako nakauwi at kung nakauwi nga ba ako. Nasaan ako? Tiningnan ko yung kwarto, at narealize ko na nasa condo naman ako. So nakauwi naman pala ako. Grabe. Anong nangyari kagabi? Ang sakit ng ulo ko talaga. Hindi ko 'ata kayang pumasok.

Tiningnan ko yung cellphone ko at nakita ko na may mga messages pala akong pinadala kay Agnes kagabi.

Shuta.

Anong sinabi ko sa kanya?

Mahal mo pa ba talagas si Raisa? Bakkt mo ya babaklikan?! •

Dapat dun ka nsa sure kang maghal mo. Wafg kang tanga. Tingnan mo ako. Di nan ako tanga. •

Joke chasrs tanga pa run ako. •

• Nasaan ka? Are you okay? Are you drunk?

Bakt mo ako hinnaahanap? •

Kanina pa ako tumatawag pero hindi ka sumasagot. Where are you? I'm getting worried Pat. Lumabas ka ba? Are you with Charlie?

I checked my call logs at sobrang dami ngang calls sa 'kin ni Agnes. I checked my messages again kung ano pang sinabi ko sa kanya, pero ngayon palang feeling ko lulubog na ako sa lupa.

Wala kang paki. Dyan ka na kay Raisa. Wag mo na akong pakiamalanaman •

Lasing ka ba?

Di ako lasign •

Nasaan ka ba Pat?

Sa puso mo. •

• Patricia!

Yes? Luambas lanv ako kasmaa mga friends ko. Youre drivign du va? Stop texting meeee. O nagmemakte oubt na ba kayo ni Raisa?! Nakakaiutstorbo ba ako? •

Nasaan ka?

Patricia, sumagot ka. Nasaan ka?

Secret walang clue.•

Umuwi ka nng condo natin ha. Ungas ka. Baka dyan ka pa matulog. At umiwui ka ng buo ah. •

• Oo naman wifey. Uuwi ako sa'yo ng buo.

Wag mo 'kong tinatawag na wifey, di mo ako asawa gago. •

Gusto ko na lang lumubog sa lupa sa dami ng sinabi ko kay Agnes. Susko nakakahiya. And for sure nabasa niya lahat 'to. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Ang sakit ng ulo ko. Hayop. Dumagdag pa 'tong mga katangahan ko. Itutuloy ko pa sana pagbabasa pero nagulat ako kasi pumasok si Agnes sa kwarto at nginitian niya lang ako. Well, she looked happy. Nagkabalikan na nga siguro sila ni Raisa.

"Gising ka na pala. I made coffee and nagluto na rin ako ng breakfast."sabi niya.

"Kaya mo bang bumangon or do you want me to bring breakfast here?"tanong niya.

"Kaya ko."sabi ko sa kanya, pero nung tatayo na ako, bigla akong nahilo. Kaya I slumped down the bed again.

"O. Di mo pala kaya eh. Dyan ka na lang. Kunin ko lang yung pagkain mo, and I'll get you some meds. For sure masakit ulo mo. Bagsak ka kagabi eh."sabi niya tapos lumabas siya ng kwarto.

Bagsak nga siguro ako. Hindi ko man lang maalala paano ako nakapagdrive pauwi eh. Or baka hinatid ako nila Nicole. At ang sakit talaga ng ulo ko ngayon. Maya maya bumalik na si Agnes dala yung pagkain at gamot. Ininom ko na muna yung gamot at uminom akong maraming tubig.

"Paano ako nakauwi?"

"Wala kang naaalala?"tanong niya. Umiling ako.

"Sinundo kita kagabi. Sabi mo kasi kasama mo friends mo eh, so nagtry ako kay Nicole, kaya tinawagan ko siya."sabi niya. "Kaya yung kotse mo, kukunin natin mamaya kela Nicole. Inuwi muna niya. And my car needs carwash."

Shet. Ibig sabihin siya pala sumundo sa 'kin kagabi. May mga nasabi kaya ako sa kanya? Parang mas lalo ko nang gustong lumubog sa lupa.

"Anong nangyari sa lakad mo?"tanong ko sa kanya.

"What do you think?"

"I don't know what to think kasi shuta ang sakit ng ulo ko. Can you just answer please?"

"Ayan. Iinom ka ng marami di mo pala kaya."sabi niya.

"Hindi ako tumuloy."sagot niya.

"Ha? Bakit?"

"Andun na 'ko sa restaurant pero habang nasa byahe ako, I realized something and I've decided not to go."

"Akala ko ba susubukan mo?"

"Akala ko mahal ko pa siya eh."sabi niya.

"Akala ko ba hindi ka sure na hindi mo na siya mahal?"

"Kagabi habang nagdadrive ako, naisip ko na, mali na balikan ko pa siya."

"Bakit?"

"May nagtext kasi sa 'kin. Dun ko narealize na maling makipagbalikan pa ako sa taong hindi ko naman siguradong mahal ko pa talaga. May lasing kasi na nagsabi sa 'kin na dapat dun ako sa sure akong mahal ko."sabi niya habang natatawa siya.

"Ako ba yung nagtext na yun? Kasi sorry talaga wala na akong naaalala."sabi ko sa kanya. Natawa lalo siya.

"Of course you don't."

"Sorry Aji. Minura pa 'ata kita kagabi."sabi ko sa kanya.

"Okay lang yun wifey. Sigurado naman na ako ngayon na ako lang ang gusto mo."sabi niya sabay kumindat siya. Hala. Anong sinasabi niya?

Pinakita niya sa 'kin yung screen ng cellphone niya at nakita ko yung huling message na sinend ko...

Si Agnes lang ang asawa ko. •

Shuta.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon