Part 145

352 4 0
                                    

Akala ko dati kapag binabanggit yung pangalan ni Agnes, doon lang namin siya pwede i-summon, pero apparently kapag naiisip mo pala siya, pwede rin. Sobrang lakas naman 'ata ng law of attraction ko.

"Uy Agnes. Buti na lang pinuntahan mo kami, hindi rin kasi kami sure saan ba yung church."sabi ni Dawn.

"No problem, magsisimba din naman ako."sabi ni Agnes tapos pinauna niya na kaming lumabas. I looked at Agnes and she looked a bit different today. Di ko lang maisip kung bakit. Paglabas namin ng hotel, sumalubong sa 'kin yung sobrang lamig na hangin. Grabe ang ginaw. Napansin 'ata ni Agnes na nabigla ako sa lamig kasi lumapit siya at umakbay.

"Akala ko tulog ka pa eh. Wait, natulog ka di ba?"tanong ko sa kanya. Bigla siyang natawa tapos tumango siya.

"I didn't want to miss yung simbang gabi. Sayang yung isang wish."sabi niya.

"Naniniwala ka pala sa ganon?"

"Simbang gabi, birthday wish, 500 na airplanes, 11:11, wala namang mawawala kung magwiwish ka sa ganon di ba?"sabi niya. Napangiti na lang ako.

Pagdating namin sa simbahan, medyo marami ng tao. Nakinig lang kami sa misa and pagtapos lumabas na kami. Nung palabas na kami, habang pababa kami ng hagdan, I was surprised when she held out her hand para alalayan ako pababa.

Narealize ko na ngayon ko na lang ulit nahawakan yung mga kamay ni Agnes. And even though pasmado siya, her hand was warm and it felt nice against my ice-cold skin.

I don't know why, but being here in Baguio, felt like I could be honest with her. We can be honest with the band and kapag nasa studio kami or nasa condo, but I feel na kapag nasa Manila kami, masyadong maraming matang nakatingin sa 'ming dalawa. I feel like we're always being watched. Pero today, I feel like I can be clingy or sweet around her with no judgement. I held on to her hand tightly and I felt her do the same. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. I can feel this bubbling feeling inside me. But I think I know the word for this:

Kinikilig ako.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon