Part 41

337 7 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

"I missed you too wifey."sabi niya. "Wala man lang ba akong hug?"

"Tigilan mo nga ako. Bakit ka nga nandito?"sabi ko. Ngumiti lang siya.

"Sayang kasi gas if magdadalawang sasakyan pa tayo papunta sa gig. So nagpahatid na lang ako dito para sabay na tayo."sabi niya.

"Ah. So andito ka para gawin akong driver."sabi ko sa kanya.

"Minsan lang naman eh."sabi niya.

"Tigilan niyo na nga yang dalawa. Agnes anak, umupo ka na rin dito para makakain ka na rin."sabi ni Dad.

Umupo naman si Agnes sa tabi ko at kumain na rin siya. After namin mag-almusal, pumunta muna ako sa sala at iniwan ko sila ni Papa dun sa mesa dahil nagkukwentuhan pa sila. Maya maya nakita ko na umakyat sa kwarto si Papa at nagtataka ako kasi biglang nawala si Agnes. Bumalik ako sa kusina at nakita ko na andun sila ni Manang. I quietly stood there by the doorway.

"Ma'am ako na lang po dito."sabi ni Manang sa kanya. Nakita ko na tinutulungan niya pala si Manang dun sa mga hugasin.

"Okay lang po. Hindi naman po ito abala."sabi ni Agnes.

"Kaso ma'am baka mapagalitan ako. Ako na po dito."sabi ni Manang.

"Wag po kayong mag-alala, hindi naman nila malalaman."sabi ni Agnes. I smiled. Kahit naman pala sira ulo kausap 'tong si Agnes, mabait naman pala siya kahit papa'no.

"Manang."sabi ko. Halatang nagulat si Manang at si Agnes kasi sabay silang lumingon sa 'kin.

"Kami na pong dalawa dyan. Gawin niyo na po muna yung iba niyo pang gagawin."sabi ko. Ayaw umalis ni Manang, pero mukhang narealize niya na hindi niya kami mapapaalis ni Agnes sa kusina kaya umalis na lang din siya.

Naglakad ako palapit kay Agnes at tinulungan siya dun sa mga plato.

"Anong nakain mo at mabait ka 'ata ngayon?"sabi ko sa kanya.

"Sunday eh."sagot niya. Natawa tuloy ako. Habang nagsasabon kami nung mga plato, napansin ko na tumitingin sa 'kin si Agnes.

"What?"sabi ko sa kanya.

"Wifey. May dumi ka sa mukha."

"Ha? Saan?"

"Ito oh."sabi niya sabay pinahid niya yung sabon sa mukha ko. I opened my mouth in disbelief habang tawang-tawa naman si Agnes.

"Nakakatawa yon? Happy ka?! Happy ka?! Gusto mo ng ganyan ah!"sabi ko sa kanya sabay nilapit ko sa kanya yung kamay ko pero ang bilis niyang nakailag.

"Wait! Wait! I don't have extra clothes. Di ako pwedeng madumihan for the gig later."sabi niya.

"May araw ka rin sa 'kin!"

"Well, until then."sabi niya sabay ngumiti siyang pang-asar. Kumalma ka self. Sunday ngayon. Lord, give me strength. Nagbanlaw ako ng mga kamay ko tapos tuluyan na rin akong naghilamos dahil ang dami nung sabon na nilagay ni Agnes sa mukha ko. Pero pagtapos ko maghilamos, natigilan ako nung biglang hinawi ni Agnes yung ibang buhok na nasa mukha ko. Ano bang naisipan niya?

"You look pretty wifey."sabi niya. Naramdaman ko na uminit yung pisngi ko.

"Pag nalaman ko lang talaga na may pinahid ka nanaman sa mukha ko tatamaan ka talaga sa 'kin!"sabi ko sa kanya.

"Alam mo ikaw, you don't know how to take a compliment."sabi niya tapos nagtuloy na lang siya sa paghuhugas ng mga plato.

After breakfast, nagready na rin kami ni Agnes kasi kikitain namin yung banda sa studio for a final rehearsal.

"Give me your keys."sabi ni Agnes.

"No. My car so I'm driving."sabi ko sa kanya.

"Wifey, gusto ko pang mabuhay."sabi niya.

"Hoy. Safe driver ako. So either you get in or magtaxi ka papunta ng studio."sabi ko sa kanya.

"Okay, okay, chill."sabi niya pero pinagbukas niya pa rin ako ng pinto bago siya umikot at sumakay. At dahil binuksan niya, lumayo ako nang konti at baka tamaan nanaman ako.

Habang nasa byahe kami, napansin ko na nakangiti si Agnes.

"What?"sabi ko sa kanya.

"Ha?"

"Why are you smiling?"

"Wala."

"Come on. Say it."sabi ko sa kanya.

"Wala. I... I just thought na you looked ten times more beautiful behind the steering wheel." Naramdaman kong uminit nanaman yung pisngi ko sa sinabi niya.

"Seatbelt Agnes. Baka at the rate that you're falling, matuluyan ka."sagot ko sa kanya sabay kinindatan ko siya and I smiled kasi bigla siyang namula.

"See that's what I meant by taking in a compliment. You're learning! I'm proud."sabi niya. Natawa tuloy ako.

"Now, eyes on the road wifey not on me."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon