I grunted nung narinig ko yung alarm ni Nicole. Nagcheck kami ng schedule at nalaman namin na 4 am yung mass. Pero dahil maliligo pa kami at halos lahat kaming apat mabagal kumilos, 2:30 palang, naka-alarm na si Nicole. Hindi ko alam kung anong oras na ako natulog kaya feeling ko ang sakit ng ulo ko dahil puyat ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero nung nagising ako, the first thought that crossed my mind was Agnes and her disappointed face na hindi ako pumayag na sumama sa kanila kahapon. Siguro kasi I've never seen her react that way before.
Medyo nakonsensya nga ako kasi alam ko naman na siya yung type na pag nagrequest ako, hindi siya tumatanggi sa 'kin. Aside from that, relatively, si Agnes kilala niya na yung buong family ko. Gusto na nga siya ni Bea for me eh. Samantalang ako, halos ayokong mameet mga kapatid niya. Pero I know that one day I have to meet them. And siguro, today is the day for that. Nagsabi naman ako sa kanya na ngayon ako sasama sa kanya. I guess I just need to brace myself for that.
Yun na lang kaya hilingin ko? Na sana magustuhan ako ng family ni Agnes. Kasi to be honest, si Agnes, she was forced into our situation, parang ang unfair din naman sa mga kapatid namin if sila din mafo-force into liking us.
"Okay na ba kayo mga bakla?"sabi ni Nicole. Tumango lang ako kaso hindi pa tapos mag-ayos si Dawn.
"Wait lang baks."sabi ni Dawn kaya umupo na ulit ako sa kama. I hesitated kung itetext ko ba si Agnes ng good morning o aantayin ko na lang na itext siya after ng mass. Kasi sa mga oras na 'to, malamang tulog pa yun. Baka mamaya magising ko siya, mabadtrip pa. Ang lamig pa naman dito sa Baguio, kaya ang sarap matulog. Or text ko na nga kaya?
"G na."sabi ni Dawn kaya nagready na kami. Pababa na kami nung narealize namin na hindi pa pala namin alam saan yung church.
"Luh baks, di pala natin nasearch kung saan ditey yung simbahan."sabi ko habang lumalabas kami ng elevator.
"Oo nga 'no? Di bale pwede naman tayo siguro magtanong."sabi ni Nicole habang lumalabas kami ng elevator. Pero dahil slightly duda ako, nag-open ako ng phone ko para mag-open ng Google Maps.
At dahil nakapila ako sa likod ni Nicole, bumangga ako sa kanya kasi bigla siyang huminto.
"Ow! Aray naman baks, bakit ka ba kasi -- anong ginagawa mo dito?"
Nagulat ako nung nakita ko siyang nakatayo dun sa lobby habang nakangiti.
"Samahan ko na kayo sa church?"