Part 116

396 6 1
                                    

"Shuta namang kanta yan!"sigaw ko.

"Hoy bakla kumalma ka!"sabi ni Nicole.

"Ay. Mukhang alam ko na kung anong problema ni Patricia Mae."sabi ni Jam. "Shet. Nics, umorder ka pang drinks. Walwal sesh ata talaga 'to."

Umorder naman ng drinks si Nicole. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila yung plano ni Agnes. Pero hanggang ngayon, bothered pa rin ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dun ba ako bothered o dahil feeling ko tinutubuan na nga ako ng feelings sa kumag na yun.

"Dali na. Spill."sabi ni Jam habang inaabot niya yung shot ko. Ininom ko na muna bago ako nagsalita. Umiinit na yung katawan ko. Tinatamaan na ata ako ah.

"Wait, I can't think straight."sagot ko.

"Well, you're not straight anyway, why does it matter?"

"I hate both of you." Natawa lang silang dalawa.

"Cheers!"

"Alam niyo bang makikipagbalikan na si Agnes kay Raisa?"sabi ko pagtapos kong ilapag yung shot glass.

"AY PU--"

"Teka lang baks."sabi ko kay Nicole. "Bago mo ituloy yan, gusto ko lang ipaalam sa inyong dalawa na ngayong gabi siya makikipagbalikan."dagdag ko.

"Waiter! Bucket pa!"sabi ni Nicole.

"Hoy bakla ka. Ang dami pa nating alak!"sabi ko sa kanya.

"Nako Patricia, kulang pa yan."sabi ni Jam.

"O para sa mga tangang katulad mo!"sabi ni Jam.

"Cheers."

"Di ko nga gets eh. Okay lang naman sa 'kin. Okay lang naman talaga na makipagbalikan siya. Sino ba naman ako di ba? Pero sobrang nakakagago kasi na nung nasa Catanduanes tayo sinabi niya pa sa 'kin na nagseselos siya kay Charlie tapos ngayon babalikan niya ex niya?"sabi ko sa kanila.

"Ayun na nga. Bet mo na si bakla."sabi ni Nicole.

"Hoy. Hindi ah."

"Kaya pala galit na galit ka sa soundtrip ni kuya at ngayon galit na galit ka na babalikan niya si Raisa."sabi ni Nicole.

"Hindi nga. Hindi ko naman siya bet. Bakit naman ako magkakagusto sa kanya di ba? I mean, sige attracted ako kapag tumutugtog siya. Pero gets niyo ba? Kapag may hawak lang siyang bass. Kaya paano naman ako magkakagusto sa kanya di ba? Nakita niyo naman kung gano kabalasubas kausap yung tao na yun?"

"Talaga ba? Bakit parang pag magkakasama naman tayo di naman? Sweet niyo kaya together." sabi ni Jam. Binato ko siya ng takip ng beer.

"Para sa mga tangang katulad mo."sabi ni Jam sabay tinaas niya yung baso niya.

"Cheers."sabi namin ni Nicole sabay uminom ulit ako.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon