Somehow I feel sad nung narealize kong andito na kami. Agnes is just a few kilometers away from me, and yet I feel like she's too far away. I badly wanted to text her, pero nahihiya rin naman ako. After all, nung last na umuwi siya dito, inaway ko pa siya and she didn't have much time to spend with her fam. Ako nga namimiss ko mga kapatid ko even if I'm usually home during the weekends, lalo na siguro si Agnes na bihira lang silang makita.
"So, what's the plan?"sabi ko sa kanila.
"Rest lang muna tayong konti siguro? Tapos punta tayong mall?"sabi ni Nics.
"Are you guys serious? We went all the way up here to go to SM?"
"Well, we have to, kasi wala kang jacket. Mamaya magkasakit ka, di ka pa makatugtog sa 24."sabi niya.
"Oh. Let's look for a church na rin. Bukas na yung start ng simbang gabi."sabi ni Grace.
Kaya ayun, nag-ayos kami ng mga gamit namin and natulog ulit. Nung nakaayos na kami, pumunta na kami ng mall. Magdadala sana ng sasakyan si Dawn pero nung nakita namin na sobrang traffic, nagdecide na lang kaming maglakad.
And since holiday season na, punong-puno yung mall. Ayoko pa naman kapag siksikan. Kaso wala akong choice dahil palabas palang kami ng hotel, nararamdaman ko na yung lamig. Feeling ko nagsisimula na akong sipunin. Hindi pa naman ako pwedeng magkasakit kasi nga may gig kami. Bakit ba kasi nila naisipang umakyat ng Baguio?
"Grabeng daming tao."sabi ni Grace. Naiinis na rin ako kasi bukod sa siksikan, may mga nanunulak pa. Isang beses pa talaga akong masagi, maninigaw na ako.
"Ugh! Mag-Session Road na lang kaya tayo? Baka naman meron din akong mabili dun. Grabeng daming tao at kanina pa ako nababangga. I swear, konti na lang mapapaaway na ako."sabi ko and I tried turning back.
Pero hindi ko alam kung anong hangin ang umihip o kung ano mang hangin yung dumaan, but something compelled me na lumingon. And nung napalingon ako...
Lumingon din siya.