Nagising ako na maliwanag na dun sa kwarto ni Agnes and when I woke up, nakita ko na nakadantay sa 'kin yung braso ni Agnes. I didn't move kasi baka magising ko siya. I looked around the wall facing me and nakita ko na may mga gitara siya na nakasabit sa wall and she had these boxes all over her room. Hindi naman siya makalat, but the boxes stood out. Mga ilang minuto pa, naramdaman ko na nagising na rin si Agnes. We both stretched and lumabas na kami ng kwarto.
Nakakatuwa lang din kasi ang festive ng feeling sa bahay nila Agnes. Ang dami rin kasi nilang mga family friends na dumadating para magdala ng regalo or para kumain. Medyo nahiya nga ako kasi tuwing may magtatanong kung sino ako, automatic na isasagot ni Tita Cy na ako yung fiancee ni Agnes.
And I guess, in a desperate attempt para hindi na kami pagkaguluhan ng mga bisita nila, hinila na ako ni Agnes pabalik sa kwarto para dun na lang kami magstay. Ang dami kasi nilang tinatanong, like how we met, bakit kami ikakasal, bakit sa akin siya ikakasal, kaya daw ba ako andun, mga ganong tanong. I don't have enough energy for that kaya when Agnes whispered to me na dun na lang kami sa kwarto, I didn't even think twice. Buti na lang talaga. Wala rin akong energy para makipagkwentuhan sa mga bisita nila.
"Dito na lang tayo. Ang hirap magexplain sa mga tao."sabi ni Agnes. "Sorry, I know this wasn't the kind of Christmas you were expecting."dagdag niya.
"Ano ka ba, it's okay. I'm enjoying this."sabi ko sa kanya then I looked around her room. "Okay lang bang tingnan ko yung mga boxes mo?"dagdag ko tapos tinuro ko yung mga boxes.
"Okay lang naman."sabi niya kaya lumapit agad ako sa mga kahon niya.
"Mahilig ka pala sa vinyl?"sabi ko sa kanya. Habang tinitingnan ko yung mga boxes niya ng records.
"Well yeah. May collection ako ng vinyl."
"Yayamanin."
"Pinag-ipunan ko lahat yan. Bought it from auction houses, antique house, sa mall."sagot niya. "Bukod kasi sa pagbabanda, I also do web design so lahat ng kinikita ko dun, iniipon ko yun, tapos ayan."
"Alam mo dati, nung hindi pa ako nakakagraduate, nagsa-side hustle naman ako ng pagtuturo ng piano sa mga bata tapos ayun, dun ko nabili yung piano ko na ginagamit ko ngayon sa gig."kwento ko sa kanya.
"Interesting."
"Pero grabe solid yung mga records mo ah."sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko yung mga vinyl na meron siya.
"Thank you. Iba kasi yung tunog eh. Iba yung feeling. Alam mo ba yung bandang Postmodern Jukebox?"
"Yeah, I think I've heard of them."
"Natutuwa ako sa kanila kasi yung mga modern songs ginagawa nilang retro. I guess you can say na I'm an old soul. Siguro nung former life ko musician ako."
"Hindi ba kahit naman sa present life mo musician ka rin naman?"natatawa kong tanong sa kanya.
"Well true. Pero siguro I like music so much na, bata palang ako sinabi ko na sa sarili ko na gusto ko talaga maging musician kasi yun nga, probably in my old life probably pangarap ko na 'to."
"Well congratulations kasi ngayon tinutupad mo na pangarap mo."
"Ikaw Pat, anong pangarap mo?"tanong niya. Nag-isip ako.
"Hmm. I don't know. Gusto ko rin maging musician, but somewhere along the way I fell in love with film scoring. Kasi yun ginagawa ng dad ko eh. So I guess I fell in love with it too. Kasi can you imagine a movie without music? It's..."
"Bland?" I smiled tapos tumango ako.
"Yung emotions parang bitin eh. Alam mo yung parang nasa peak ka ng pag-iyak, pero parang hindi nakakatuwang umiyak kung walang music sa background. Although weird no, kasi parang normally naman pag nasa normal na buhay ka hindi ka naman talaga umiiyak with the music on."
"Hmm.. I actually do."
"Talaga?"
"Yeah I do."
"Ano for cinematic experience, ganon?"
"Sira hindi."
"Eh ano?"
"I just turn it loud enough para ma-muffle yung iyak ko. I do it so that no one can hear."
Nagulat ako sa sagot ni Agnes. It wasn't the answer na I was expecting kaya talagang natigilan din ako.
"Do you find it strange?"
"No. I actually understand."
I just can't place a version of Agnes that is crying cause I'd always think of her as this annoying person. But I think beyond all of those, I think Agnes is a soft person. If, if totoo yung sinasabi ng friends niya about what kind of a person she is, then placing Agnes as a soft person isn't too surprising.
"O baka umiyak ka ah. Pangit ka na nga baka mas lalo ka pa pumangit."sabi niya.
And... there she goes again, ruining everything.
