Nagulat ako na alam ni Agnes kung ano yung usual na inoorder ko. Siguro nga ganon siya kaobservant and that is something I appreciate about her. Medyo natawa lang din ako when I realized na ang lakas niya palang kumain. Ang payat niya pero ang lakas niya kumain.
"What?"sabi niya sa 'kin.
"Wala. Why?"
"You're staring at me eh. May dumi ba ulit mukha ko?"sabi niya. Namula tuloy ako. Naalala ko nanaman nung pinunasan ko yung mukha niya.
"Wala."sagot ko sa kanya. Ngumiti na lang siya then she paused.
"You know I just realized na wala akong masyadong alam about you."sabi niya. "Like I don't even know what your middle name is, your favorites, ganyan."dagdag niya.
Napaisip din tuloy ako. Kahit ako naman, wala akong alam tungkol sa kanya. I don't even know her full name, may mga kapatid ba siya, saan siya nag-aaral before, mga ganong bagay.
"Bakit mo naman naisip yun?"
"Di ba ganon naman when you go out on first dates? You try and get to know your date?"
"Date ba 'to? Akala ko dinner lang."sagot ko. Natawa lang siya tapos bumalik na siya sa pagkain.
"Rimando."sagot ko sa kanya.
"Huh?"
"Rimando ang middle name ko."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya.
"Abalos. Mine's Abalos."sabi niya.
"So... Maristella Agnes Abalos Reoma. Ang haba."sabi ko sa kanya. Napangiti lang siya.
"Ang unfortunate naman ng pangalan mo."sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?"
"Eh kasi puro R yung pangalan mo tapos bulol ka dun."
"Gagu."
Hindi ko alam kung bakit ako tawang-tawa sa naging reaction ni Agnes kaya hindi ako makatigil sa kakatawa. I can feel my eyes tearing up. Siguro dahil first time ko siyang narinig na magreact ng ganon sa 'kin.
"Tawang-tawa ka ah."sabi niya habang tumatawa din siya. Kaya I composed myself and drank water.
"Sorry. Nagulat lang kasi ako sa reaction mo. Bakit pala Maristella? Alam mo ba?"tanong ko habang pinupunasan ko ng tissue yung mata ko.
"Star of the sea. Pero di ako marunong lumangoy. Kaya in the almighty words of Alanis Morisette, isn't it ironic? Don't you think?"
"Well, aren't you full of irony?"sabi ko sa kanya. Ngumiti siya.
Nagkwentuhan pa kami ng konti and nakwento niya na marami silang magkakapatid. I found out na yellow ang favorite color niya kaya pala madalas yellow mga gamit niya. After naming kumain, kinuha na rin niya yung bill. Ang tagal niyang tinitingnan yung bill habang kinakapa niya yung bulsa niya kaya ako natawa.
"Uh Pat."
"What?"
"I think naiwan ko yung wallet ko sa condo."
Natawa tuloy lalo ako. Kaya naman pala kanina pa siya may hinahanap.
"Akin na! Budol ka eh."
"Ikaw na muna ang sugar nanay ko for tonight."sabi niya sabay inabot niya sa 'kin yung bill.
"Hayop ka anak."sabi ko sa kanya sabay nilagay ko yung pera dun sa lalagyan. Natawa lang din si Agnes sabay tinawag na niya yung waiter. Pina-take out lang din niya yung natira naming pagkain.
"Alam mo hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ka nagka-girlfriend na ganyan ka."sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya.
"Gusto mong malaman?"sabi niya.
"O paano?"
"Be my girlfriend."