"Maka-po ka naman, parang hindi tayo magkakilala Pat."sabi niya. Feeling ko tumigil 'ata yung mundo. Bigla 'ata akong naconscious nung nakita kong si Charlie pala ang tinamaan ko. Lalo na nung bigla na lang siyang ngumiti.
Nakalimutan ko na 'ata kung gaano kaganda si Charlie. Siguro dahil matagal na kaming hindi nagkakausap kaya nakalimutan ko na. At dahil nakaharang ako sa daan, tumabi muna ako. Pagharap ko, nagulat ako na sobrang lapit ng mukha ko kay Agnes.
"ANO BA?! BAKIT KA BA NANDYAN?!"sabi ko sa kanya. Paglingon ko nawala na si Charlie. Istorbo naman kasi to si Agnes eh!
"Grabe. Bakit ka ba laging nakasigaw?"sabi niya. "Maaga ako mawawalan ng pandinig nyan eh."
"Bigla bigla ka kasing sumusulpot eh."sabi ko sa kanya tapos pumasok na kami sa elevator. Pagbalik namin sa office, nagpunta na ako sa work station ko, uupo na sana ako sa upuan ko pero imbis na makaupo ako, dumerecho ako sa sahig dahil hinila ni Agnes yung upuan ko.
"Ano ba!"sabi ko sa kanya.
"Bakit kasi bigla bigla kang umuupo? Hinila ko yung upuan para sayo. Bigla ka naman kasing sumabay."sabi niya habang tumatawa. Lord, bigyan mo ako ng patience. I swear mapapatay ko 'to.
Tumayo na ako at hinila ko yung upuan mula sa kamay niya. Badtrip talaga. Sinabihan ko na silang dalawa ni Jam na bumalik na ng meeting room para sa next round ng orientation nila. Pambihira talaga eh. At dahil ang dami pa rin naming projects, naging busy na rin ako. I was surprised when a cup of coffee suddenly appeared in front of my face. Pagtingin ko, nagulat ako to see Agnes. And she was smiling. But not the kind that I saw nung nasa restaurant kami. Her smile looked more genuine this time.
Bigla akong na-caught off guard dun sa ngiti niya. Ano ba 'tong iniisip ko? Pero kasi naman! Ang ganda nung ngiti niya and her smile was very warm. Strange for me to admit, pero totoo nga, maganda nga siya.
And in those few seconds, only a single thought crossed my mind...
Pwede.