Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip si Agnes. I've probably heard this song a hundred times, pero ngayon, the lyrics meant to me more than ever. If only she could hear this, if only she can listen to this song. I smiled. Grabe, ano ba 'to. Just the thought of Agnes is now making me smile. Why is she replaying in my head? Luh self, sana okay ka lang.
"Hoy bakla anong ngini-ngiti mo dyan? May naalala ka 'no?"sabi ni Nicole.
"Hala wala ah."
"Kami pa ba lolokohin mo Pachuchay? Yang mga ganyang ngiti kabisado na namin yan. Yung ngiti mo kasi may halong kilig eh. Ganyan ngiti mo dati pag naalala mo yung crush mo nung highschool eh."sabi ni Dawn.
"Eyes on the road."sagot ko sa kanya and I tried to suppress my smile.
"Sus. Sino yang naalala mo?"sabi ni Grace.
"Wala nga. Wala akong naalala."
"Kunyari ka pa! Umamin ka na."sabi nila habang ngiting-ngiti nila akong inaasar.
"Fine! Oo na, sige na. Naalala ko si Agnes."
"Yieee namiss ni bakla."sabi nila habang todo ngiti sila sa pang-aasar kaya hindi ko na napigilang mapangiti rin.
"Para kayong mga tanga."sagot ko sa kanila.
"Aba sino kaya? Sino kasi dyan yung ayaw pa ring umamin sa sarili niya hanggang ngayon?"sabi ni Nicole.
"Aminado naman na nga, di ba bakla?"sabi ko sa kanya.
"Luh luh luh. Yung itsura mo Pachuchay kala mo kinikiliti siya eh."sabi ni Grace.
"Tigilan niyo na nga ako. Naalala ko lang kasi siya."
"Sakto naman kasi yung kanta para sa kanya."sabi ni Nicole.
"Pero alam mo baks, totoo sinasabi ni Grace. Alam mo yung itsura mo pag nakikita mo si Agnes, iba ngiti mo eh. Yung halatang kinikilig ka. Lalo na kapag tinitingnan ka ni Agnes or pag nagsmile siya sa'yo. Sandali kinikilig din tuloy ako!"sabi ni Nicole. Para talaga silang mga tanga.
"Kakainis naman kasi to si Pachuchay, di sinama eh. Eh di sana nameet namin siya."sabi ni Dawn.
"Ay wait, di ba taga Baguio si Agnes?"sabi ni Grace.
"Yeah. But I don't know saan."
"Why don't you text her? Tell her we're on our way to Baguio and to meet us."
"As if I don't see her enough."sabi ko sa kanila.
"As if you don't miss her. Go na Pachuchay, text her na and let her know. Hindi naman tayo pupunta sa bahay niya, let's just have lunch with her and if she could take us around Baguio then it would be nice."
"Why... what...no."
"Sige na! Ikaw naman."
"No. Nakakahiya kay Agnes."
"Anong nakakahiya eh we are inviting her to eat with us nga eh? And for sure, she misses you too."
"She doesn't."
"Grabe ka naman. How can you be too sure?"
"Kasi kung namimiss niya na ako, she would have at least messaged me by now. Eh wala."
"Nagkape ka ba kanina?"sabi ni Nicole.
"Ha? Oo bakit?"
"Pait eh. Nalimutan mo lagyang asukal baks?"
"Busy nga kasi siya. And I swear guys, nakakahiya. I don't want to meet up with her kasi ito lang yung time niya with her family. Ayoko namang umepal pa dun. Let's not bother Agnes. If you want to meet her, papakilala ko siya sa 24. Okay?"sabi ko sa kanila.
Tumango naman si Dawn at si Grace. Hindi ko matandaan kung anong mga nangyari kasi naalala ko lang na ginigising na ako nila Nicole dahil nasa Baguio na kami.
Finally, we're now in Agnesland.