Nagulat ako nung nilapit niya yung mukha niya. She was just a few inches away from me and I can smell her perfume. Ang bango naman nitong si Agnes. I realized that I was holding my breath the whole time. Napa-exhale na lang ako nung biglang tumawa si Agnes.
"Don't look so flustered wifey."pang-aasar niya.
"UMATRAS KA NGA! Ang baho mo eh."sabi ko sa kanya habang tinutulak ko siya palayo.
"So ano nga? What were you about to say?"tanong niya at nagtuloy lang siya sa paghuhugas nung mga plato.
"Uhm... ano kasi... I need a favor."sabi ko.
"Ano yun?"
"Kasi ano... I forgot to tell you... naka... ano... naka-leave ako tomorrow. Okay lang bang ikaw magtuloy nung project?"
"Uh... nakapagfile na ako ng leave ko for tomorrow."sabi niya. Hala. Paano na 'to?
"But... sige. I-cancel ko na lang."dagdag niya.
"Uy wag. Nakakahiya. Ano... ah..."
"Sige na. Okay lang naman. Pwede naman akong maghalf day."sabi niya.
"Sure?"
"Yes. It's okay. Pero may kapalit 'to ah."sabi niya.
"Ano?"
"Kiss."
"Kiss mo mukha mo!"sabi ko sa kanya.
"Sige na, isa lang."sabi niya sabay ngumiti siya.
"Mukha mo!"
"Damot."sabi niya then she pouted. Natawa tuloy ako. For some reason, I found her to be cute.
"Sige na, sige na. Pikit ka."sabi ko sa kanya. Natawa ako kasi pumikit naman talaga siya. Nilapit ko yung mukha ko sa kanya tapos nung malapit na...
"Asa ka."bulong ko sa kanya.
Nakita ko na lalong namula si Agnes at binaling na lang yung tingin niya dun sa mga hugasin. Nginitian ko lang siya tapos pumasok na ako sa kwarto.
Ha! The tables are turning Reoma.