At dahil nasa Sagada si Agnes, wala rin muna kaming gig ng banda. And sakto lang din kasi may mga projects ako na kailangan tapusin bago kami umalis. Since nung birthday ko, araw-araw lang din tumatawag si Agnes. Minsan tungkol sa office, minsan naman tungkol sa kung ano lang.
Papunta na kami ng airport ngayon and tiningnan ko kung may message ba sa 'kin si Agnes. Nagsabi kasi siya sa 'kin na makikipagkita siya sa 'kin before we leave for the U.S. pero alam kong mahihirapan din siya kung makikipagkita pa siya. Pero ngayon na rin naman kasi yung last day ng shoot nila kaya naisip ko na pwede rin naman. Napaiksi kasi yung stay nila sa Sagada dahil kailangan na bumalik ng Manila nung mga artistang kasama nila.
Pero nasa airport na kami, wala pa ring message sa 'kin si Agnes. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na hinihila ko yung oras para bumagal ng konti. Nakahinto na kami at binaba na ni Papa yung mga maleta namin.
"Pumasok na kayo."sabi ni Papa.
"Mauna na kayo."sabi ko sa kanya.
"Bakit?"
"Ano... ano... wait, may naiwan ata ako sa kotse Dad. Mauna na kayo."
"Sige pero bilisan mo kasi 2 minutes lang siya pwedeng magpark dyan." Tumango ako. Chineck ko ulit yung cellphone ko pero wala pa ring text si Agnes.
I tried ringing her phone pero hindi siya sumasagot. I took another look around and hindi ko pa rin nakikita kahit man lang yung sasakyan ni Agnes. I guess she's not coming.
Naglakad na ako papunta dun sa guard. I took another shot, pero Agnes is still not in sight. Pumasok na ako sa loob ng airport.
"O, nakita mo ba yung naiwan mo?"sabi ni Dad.
"Ha?"
"Akala ko may naiwan ka?"
"Ah... wala. Wala naman po pala akong naiwan."sagot ko.
"Sigurado ka?" Tumango ako.
Naglakad na rin kami nila Mama papunta dun sa may mga check-in counters. I checked my phone pero wala pa ring message or missed call si Agnes. Ano kaya nangyari dun? Well, I'd see her anyway when we get --
"Wifey!"
Napalingon ako, and there she was. Hingal na hingal na lumapit sa 'kin si Agnes. Nakita ko naman na ngiting-ngiti si Mama at si Papa. Nagmano lang si Agnes sa kanila.
"O, mukhang nahanap mo na yung naiwan mo."biro ni Papa.
"Mauna na kaming magcheck-in. Antayin ka na lang namin before immigration."sabi ni Mama.
"Don't worry po. Saglit lang din naman po ako."sabi ni Agnes tapos kumaway na siya kela Mama.
"Akala ko hindi na kita aabutan eh."sabi ni Agnes nung medyo nakalayo na sila Mama.
"Akala ko rin hindi ka na aabot. Bakit kasi hindi ka sumasagot?"
"Sorry, namatay phone ko kasi. Eh kanina naman nakasilent cause from the shoot, I went straight here." I nodded.
Hindi ko sure kung dapat ba akong matuwa na andito si Agnes sa airport o malulungkot ako cause I feel like I am saying goodbye to her. Bakit ba parang ang bigat ng mga paa ko ngayon?
"Wifey, mag-ingat ka while you're in L.A. okay? Tanga ka pa naman."sabi ni Agnes. I glared at her.
"Pumunta ka talaga dito para mang-inis 'no?"
"Oo. Baka kasi mamiss mo."
"Mukha mo. Hey, I might send you emails pala ha. So check your mail. Yung client ko kasing isa hindi pa nagrereply dun sa mga revisions na ginawa ko."
"Ang thoughtful mo naman wifey, pati trabaho binibilin mo sa 'kin."
"Paano food mo?"tanong ko kay Agnes tapos bigla siyang natawa. Bigla ko kasing naalala na maiiwan nanaman siya mag-isa.
"Relax. I can buy." I rolled my eyes. "And, and, I asked Andrew na turuan ako magluto ng ilang food."sabi niya.
"Hay salamat. Buti naman! Sa wakas naisipan mo ring magluto." Ngumiti lang siya.
"Well, I won't keep you long. Baka mahaba pa pila sa immigration."sabi ni Agnes. Tumango lang ako. Weird talaga. Why do I feel this way? Why do I feel like crying?
"Message me when you get nightmares okay? Or call me. Umaga naman dito."sabi ni Agnes. Tumango lang ako.
"Also, I know you'll be busy with your family, pero update me on what's happening with you okay? I just want to make sure na you're safe there and that you --"
"Aji. I'll be fine."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang din siya.
"Wala ka bang naiwan wifey?"tanong niya.
"Not that I know of."
"Sure ha? Wala kang naiwan? You have everything with you ah. Ticket?"
"Yes."
"Passport?"
"Yes."
"Visa?"
"Yes."
"Jacket?"
"Yes."
"Ako?"
I frowned. "Pwede ka naman kasing sumama."
"Nah. It's okay. Pero wifey..."
"Hm?"
"Come home to me okay?"