Nagulat ako nung biglang may nag-gasp sa likod ko.
"OMG. TAMA BA KAMI NG NARINIG?!"sabi ni Ria.
"Shhh! Umeksena tayo dito sa coffee shop ano?"sabi ko sa kanya. Hindi nga pala nila alam yung mga nangyari sa Baguio at lahat ng mga kaguluhan namin ni Agnes.
"Oo mga bakla, di kasi kayo sumama sa 'min nung nag-inom kami nito ni Pachuchay. At may paganap yang dalawang yan sa Baguio, wag kayo."sabi ni Nicole kaya hinila ko na sila palabas.
"Ang daya mo naman Patty. Kwentuhan mo naman kami."sabi ni Ria.
Kaya ayun, habang naglalakad kami, kinwento ko sa kanila yung nangyari sa 'min ni Charlie, and kung ano na rin nangyayari sa 'min ni Agnes.
Habang kinukwento ko sa kanila, bigla ko tuloy namiss si Agnes. Somehow relieving everything that happened over the holidays made me miss her. Kaya bago pa kami pumila pasakay ng elevator, nagtext ako kay Agnes. I usually don't do this, pero wala naman sigurong masama.
I miss you Aji. Happy Valentines. •
Pagbaba namin ng elevator, wala pa ring reply si Agnes. Papasok na sana kami ng office nung biglang may tumawag sa 'min. Paglingon ko...
Si Jam pala.
"You left me."sabi ni Jam habang nakasimangot siya.
"Hala Jamaemae. Oo nga. Sorry na. Samahan na lang kita bumili sa baba."sabi ko sa kanya.
"Sige. Pero sagot mo na rin kape ko. Di niyo man lang ako naalala eh."dagdag niya. I looped my arm around her arm.
"Tara na nga. Arte mo."sabi ko sa kanya tapos hinila ko na siya pababa.
Habang nag-aantay kami ng order ni Jam, busy lang din siya sa pagcellphone at pag-sketch sa phone niya. Natatawa ako kasi masyado siyang seryoso.
"Seryoso mo naman dyan. Ano ba yang dinodrawing mo?"sabi ko tapos sinubukan kong silipin pero tinago lang ni Jam.
"Secret. Di pa tapos eh. Papakita ko na lang sa'yo pag okay na."sabi niya.
"Arte mo."
Nung tinawag na ng barista yung pangalan niya, tumayo na kaming dalawa at umakyat na pabalik sa office.
Habang nasa elevator kami, narinig ko na tumutunog yung phone ko. Pagcheck ko ng phone ko, akala ko nagmessage si Agnes pero nagulat ako kasi may mga nagmemention sa 'kin sa IG. Ano nanamang meron? Pagsilip ko:
agnesreoma 1:43 pm: Happy Valentines bff4lyf. 🤟🏻