Finally nakabalik na rin sa office si Agnes at nasa office na lang siya palagi. Inaya ako ni Charlie lumabas ngayong gabi and sa totoo lang hindi ako makapagdecide kung sasama ba ako sa kanya. Gusto daw kasi nyang bumawi dahil hindi niya ako nasamahan nung last time. And ayoko sanang sumama kasi hindi naman niya kailangan bumawi, but I think this is something I need for myself. Maraming gumugulo sa 'kin and to be honest, isa si Agnes dun. Minsan kasi ang hirap idifferentiate ng Agnes being Agnes sa pagiging pa-fall niya eh.
Pero bukod dun, I wanted to decline kay Charlie kasi sobrang busy rin namin talaga, pero ang hirap naman kasi tumanggi sa kanya. Aalis din kasi kami ng banda bukas para pumunta ng Catanduanes and ngayon lang ako available. Hay self, bakit ba kasi tayo marupok?
Lumapit ako kay Agnes and napansin ko na medyo nakakunot yung noo niya. I realized how Agnes has suddenly seemed as if she's aged. Sa stress na rin siguro dahil sa sobrang dami niyang ginagawa. And to be honest, dahil hindi ako nakakatulog ng maayos, somehow, palagi ko rin siyang nagigising sa madaling araw whenever I drink water. Pero kailangan ko ring pagbigyan yung sarili ko. Gusto ko lang din magpahinga muna at huminga.
"Agnes, pwede ba akong humingi ng favor?"
Tahimik siya and seryoso siyang nakatingin sa screen. Shet di ko alam kung itutuloy ko ba 'to.
"What?"
"Can you cover for me para dun sa isang client meeting natin?"
"Yung movie na yung shooting sa Sagada?"
"Uh.. yes."
"Bakit? Akala ko ikaw mag-cover nun? Sasabay kasi siya sa project na series na ginagawa ko ngayon."
"Ano kasi..."
"I... well... something came up kasi tonight."
"Pat."she said firmly. Napatigil tuloy ako.
"Si Charlie ba yang something came up mo? Don't tell me you're asking me to cover for you dahil lang makikipagdate ka."
I can tell from Agnes's voice that she's somehow tired. Patong patong din talaga projects. Sa ngayon kasi we are already juggling with four projects each. Pero hindi naman siguro masama na magtime-off ng one day di ba? Hindi pa nga full day eh.
"No. Kasi may kailangan daw sa 'kin si Jam. Eh di ba nakaleave siya, so I told her na dun ko na lang siya imeet malapit sa bahay niya."
Okay, mental note to self. I need to tell Jam about this. Magagalit siya definitely, but alam kong maiintindihan naman niya. Agnes sighed.
"Fine. Ako na lang muna makipagmeet. Sa Diliman lang naman yung meeting di ba?"
"Yes. Yes. Thank you."sabi ko sa kanya. She just gave me a faint smile tapos sinuot na niya yung headset niya.
I messaged Charlie at sinabi ko sa kanya na free na ako. Maya maya naman nagpaalam na rin si Agnes na pupunta na daw siya ng Diliman. Medyo slightly naguilty ako kasi alam kong mapapalayo si Agnes. Dadaan pa kasi siya sa Ortigas para sa isa pang client meeting before heading off dun sa meeting.
Sa wakas. I can finally go out with Charlie.