We both made our way dun sa mesa namin kasi hinila na ako ni Agnes pabalik. Everybody else just resumed with what they are doing. Kukuha pa sana ng wine si Agnes pero inagaw ko sa kanya yung baso.
"You're driving."sabi ko sa kanya. She just raised both her hands in defeat.
"Di mo naman ako sinabihan."sabi ko sa kanya.
"I was just supposed to whisper na balik na tayo sa table natin, namali ako ng estimate kaya I just ended up landing on your cheek."paliwanag niya. Natawa na lang sila Jam sa sagot niya. "Wait lang. I'll just get something."sabi ni Agnes tapos tumayo na siya.
"Wait. What's your plan na ba?"sabi ni Poch sa 'kin.
"Survive today."sagot ko kaya natawa na lang din sila.
"Oh we can't imagine what would actually happen during your wedding day."sabi ni Keifer.
"That is, kung magkakaron pa talaga ng wedding day."
"Grabe, hindi ka pa rin ba convinced to marry Agnes?"sabi ni Toni.
"Guys, wala pa ngang kami. Paano kami magpapakasal?"tanong ko.
"Eh bakit nga kasi wala pa ring kayo?"tanong ni Pao. "And besides, kailangan pa ba nun? Technically engaged na kayo."
"Kailangan pa rin yun. That would at least make things a bit easier."
Nagkwentuhan lang din kami and nag-usap kami kung ano pang mga gigs yung paparating sa 'min. Pero dahil halos start of the year palang, gusto nila Paolo na mag-outing muna kaming band para makapagrelax and to know each other better kaya nag-aaya siyang pumunta kami ng Elyu. Sakto lang din kasi after ng Elyu na naisip nila, may gig din daw kami ulit sa Baguio.
Maya maya bumalik na si Agnes and inexplain ni Pao yung plano. Napatingin ako kay Agnes kasi somehow feeling ko pagod na siya sa palagi naming pagbyahe. Pero tumango lang siya dun sa plano. Sa tagal naming nagdiscuss, inabot na rin ng gabi yung band, pero nung huli, pamilya na lang ni Agnes ang naiwan. Nakita ko na tinawag ni Tita Cy si Agnes.
Naghahanda na si Agnes para sa pagbalik nila ng Makati. Dun na lang kasi sa condo muna magstay yung family niya ngayong gabi bago sila umuwi ng Baguio. Umiinom lang si Agnes ng tubig habang nagpapaalam sila Tita Cy kay Mama.
"Bakit naman babalik pa kayo ng Makati? Late na at mapapagod lang kayo sa byahe. Kasya naman kayo dito."
"Hindi na, nakakahiya na rin."sabi ni Tita Cy.
"Ano ka ba naman, sa akin ka pa ba mahihiya? Kawawa din si Agnes at malamang napagod na rin siya sa pagdrive. Dito na kayo magstay. Dun ka na lang sa guest room, pwede namang isama mo dun si Cyrill at si Malaya. Tapos si EJ at si Jun, dun na lang muna sa kwarto ni Jessie. Tapos si Lia at si Lin-awa pwede namang sa kwarto ni Tricia kasama ni Agnes."sabi ni Mama.
Nagkatinginan lang kami ni Agnes and napansin ko na medyo pagod na nga siya. Parang impractical na rin nga na magbyahe pa sila. That, and I think medyo nakainom din siya.
"O kaya, si Lia at si Lin-awa dun na lang sa kwarto ni Bea para makapag-solo yung mag-asawa."dagdag ni Mama.
Pagkasabi nun ni Mama, naibuga ko yung iniinom kong juice kaya nagmamadali akong tumakbo sa kusina para kumuha ng tissue.
"MA!"sigaw ko.
"O bakit? Totoo naman yun. And you both should get used to being called that kasi saglit na lang naman at ikakasal na rin talaga kayo."dagdag niya.
"Alam mo mom, I think that's the best idea. Dun na lang kami nila Lia sa kwarto ko."sabi ni Bea. "Para ate Trish and ate Agnes can sleep sa room together." I glared at her pero lalo lang lumaki yung ngiti ni Bea. Kahit kelan talaga pahamak tong pamilya ko eh.
At dahil napagkaisahan na nga kaming dalawa ni Agnes, umakyat na kami papunta sa kwarto ko. Pero pagbukas ko ng ilaw, nagulat ako na may sobrang laking box na nakalagay malapit sa kama ko. Ano 'to? Saan galing 'to? Lumapit ako at nakita ko na may nakalagay na card kaya tiningnan ko agad.
Pat,
We may not get married today (or anytime for that matter) but I still want to give you a wedding gift. Sana magustuhan mo.
Agnes.
Bigla akong napalingon sa kanya at nakita ko na napakamot na lang si Agnes ng ulo niya.
"I seriously thought that we are returning to Makati and I didn't have to stand here and watch you read that."sabi niya. Nakita ko sa mukha niya na nahihiya siya. Pero kahit ako biglang nahiya.
"You didn't have to get me anything. Hindi naman tayo kinasal today."sabi ko sa kanya pero she just shrugged.
"Anyway, open it."sagot niya.
Kaya binuksan ko na yung box. Pagbukas ko, nagulat ako sa nakita ko...
Marimba. Agnes bought me a marimba.