After naming kumain, tinawag ako ni Mama para paliguan si Max dahil sobrang maputik siya sa paglalaro sa labas. And since wala namang ginagawa si Agnes, nagvolunteer siyang sumama at tumulong. Biglang umulan sa labas kaya napilitan kami na sa bath tub na lang paliguan si Max.
At dahil hindi mahilig si Max maligo, naglilikot siya kaya hinawakan ko siya habang pinapaliguan siya ni Agnes. Pero dahil sobrang likot ni Max, nakawala siya sa 'kin at nawalan ako ng balance kaya nahulog ako sa tub. Anak ng.
At dahil nahulog ako, tawang-tawa si Agnes at binuhusan pa ako ng tubig.
"Ah nakakatawa yun? Saya ka?"sabi ko sa kanya habang hinahawi ko yung basa kong buhok sa mukha.
"Ay sorry. Akala ko si Max pa rin eh."sabi niya.
"Ah ganon? Mukha ba akong pug?"
"Ikaw ang pinakamagandang pug na nakita ko."sagot niya sabay tawang-tawa pa rin siya. Nakatabi naman sa 'kin si Max at ikot pa rin siya ng ikot. At dahil mataas yung bath tub, hindi siya makaalis pero dahil naglilikot siya, natatalsikan niya pa rin ako ng tubig.
"Kesa tinatawanan mo ako, tulungan mo kaya ako."sabi ko kay Agnes at inabot ko sa kanya yung kamay ko.
"Wait lang."sabi niya tapos tumawa pa rin siya ng tumawa. Saya nito ni Reoma ah.
"Game na."sabi niya tapos hinawakan niya na yung kamay ko at nag-ready na siyang itayo ako. Pero dahil tawang-tawa pa rin si Agnes, imbis na tumayo ako, hinila ko siya palapit sa 'kin kaya natumba siya at nahulog din sa bath tub. Akala mo ah. Ako naman ngayon ang tawang-tawa.
"Galing. Wala akong damit."sabi ni Agnes.
"Malas mo. Tawa ka pa dyan ah."sabi ko sa kanya.
"Ah ganon?"sabi ni Agnes then she ran her hand on my face at hinilamos sa 'kin yung pinagliguan ni Max.
"Ah ganyan ah!"sabi ko sa kanya sabay pilit kong inaabot yung mukha niya. Lugi ako ah. Ang haba ng braso niya kaya madali lang iiwas yung mukha niya. Si Max naman akala ata naglalaro pa kaming tatlo kaya tuwang-tuwa siyang tumatalon sa 'min ni Agnes.
Maya maya narinig namin na tinatawag kami ni Mama kaya nag-attempt na kaming lumabas ng bath tub pero dahil masabon, nadudulas lang kaming dalawa at matutumba ulit. I started to laugh. Mukha nanaman kaming dalawang tanga na tawa ng tawa.
"Mauna na kasi ako, tapos itatayo kita."sabi ni Agnes pero every time na bubuwelo siya, madudulas nanaman kamay niya at mahuhulog nanaman siya. I laughed.
"Pisting dulas ng bath tub niyo susko."sabi niya kaya lalo akong natawa. "We're never getting a tub. Shower lang talaga."dagdag niya.
"OA mo as if naman makakapaglagay nga tayo ng bath tub sa condo."sabi ko kaya natawa siya. Nagtry ulit kaming tumayo, pero to no avail, wala pa rin hanggang sa hindi ko alam kung anong nangyari but when I slipped...
Nagkauntugan kaming dalawa ni Agnes.
I tried na hawakan yung noo niya. Ewan ko ba, impulse reaction ko ata na pag may tinamaan ako, hahawakan ko yung tinamaan ko to check kung okay lang ba siya. So I raised my hand but...
I lost balance and my lips landed close to hers. Shutang bath tub to. Ipapahamak pa ako.