Part 58

350 8 0
                                    

Binitawan ko agad yung kamay niya. Napatingin ako at nakita ko na nagpipigil siya ng tawa. Pagbaba namin ng elevator, naunang bumaba si Agnes at sumunod kami ni Jam.

"Patricia Mae!! Ano yun?!"sabi ni Jam paglabas naming dalawa. Napatingin naman sa 'min si Agnes.

"Wait! Di ko sinasadya okay."sabi ko.

"Ano, do you just go around holding people's hands?!"sabi ni Jam. Nakita ko yung reaction ni Agnes and she looked like she was judging both of us. Luh baka iniisip niya na nakikipagholding hands talaga ako kay Jam.

"Wait, no! Okay, let me explain. I wasn't trying to hold your hand. Akala ko kasi kamay ni Agne--" I stopped.

WHAT. THE. HELL. DID. I. JUST. SAY. Nakita ko na lumaki yung mata ni Jam and kahit ako nanlaki rin mata ko when I realized what I just said. Feeling ko uminit yung tenga ko.

"FAAAAK!"sigaw ni Jam. I signalled her to stay quiet.
"SHH! Jamantha! Kumalma ka nga! Ang ingay mo at hindi yun ganon. Ano kasi--"

"Ano? Sige, justify pa more."sabi niya.

"Hoy. Ano lang kasi..." Galingan mo magexplain Pat. "Ano..."

"Wala kang maisip 'no? Don't be too defensive, okay lang gets ko naman. Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano eh."sabi ni Jam. "Dyan na nga kayo!"sabi niya tapos nauna siyang pumasok ng office. Nakita ko naman na nakatayo lang si Agnes sa tabi ng pinto at ngiting-ngiti siya.

"What?"iritableng tanong ko sa kanya.

"You know that you can just ask if you want to hold my hand di ba?"sabi niya tapos ngumiti siyang pang-asar.

"Tigilan mo nga ako!"sagot ko sa kanya. "Isa pa. You were busy kanina eh."dagdag ko.

"Ah... so that's what this is."sabi niya.

"Anong that's what this is?"

"Kaya naman pala mainit ang ulo mo. Nagseselos ka."

"Hindi nga ako nagseselos okay?"

"Then why did you want to hold my hand?"

Bigla akong napaisip sa tanong ni Agnes. Bakit ko nga ba naisipang hawakan yung kamay niya? At ano nga bang paki ko kung nilalandi siya ni Sasha?

"Who said I wanted to hold your hand?"

"Eh bakit hinawakan mo kamay ni Jam? When you thought it was my hand?"sabi niya sabay ngumiti siyang pang-asar.

"Tse! Dyan ka na nga."sabi ko sa kanya tapos binuksan ko na yung pinto. Papasok na sana ako nung naramdaman kong hinila ako ni Agnes pabalik.

"Wait lang wifey."

"Ano nanaman?!"

"Wala ka namang dapat ipagselos. I don't like Sasha, okay?"

"Hanapin mo."

"Alin?"

"Yung paki ko."

"Nahanap ko na. Kaya ka nga galit na galit dyan eh. Don't worry wifey, I'm all yours."

"Tigilan mo nga ako!"

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon