Part 50

346 9 0
                                    

Nagulat ako nung bigla na lang may tumulak sa 'kin palapit kay Agnes kaya muntik ko na talaga siyang mahalikan.

"AY PUT--"sigaw ko but I stopped myself kasi nakakahiya ako. But it was loud enough para mapalingon sa 'min si Charlie at si Sasha. Kaya I held up a peace sign with my two fingers at tumingin na ulit sila sa harap. Pagtingin ko, si Jam pala yung nasa likod ko.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat at nanunulak?!"sigaw ko kay Jam. Grabe kumakabog pa rin dibdib ko sa sobrang gulat ko sa kanya.

"Ano ba kasing ginagawa niyong dalawa? Susko naman kayo! Pwede bang sa condo niyo na lang yan gawin?"sabi ni Jam.

"May binubulong lang ako kay Pat."sabi ni Agnes habang nakangiti. Nararamdaman ko pa rin yung kabog ng dibdib ko at ngayon hindi ko na alam kung dahil ba yun sa ginawa ni Jam o dahil naalala ko yung ginawa ni Agnes.

"Pag bumubulong, sa tenga tinatapat Agnes. Pambihira kayong dalawa. Ang landi niyo shuta."sabi ni Jam habang dumadaan siya sa harap namin papunta sa uupuan niya.

"Galit na galit?"sabi ko sa kanya. "Selos ka ba?"

"Tigilan niyo akong dalawa ah. Maaga pa. Puyat ako."sabi ni Jam. Natawa na lang ako sa kasungitan niya. Isa pa siyang puyat kaya malamang bangag din talaga siya.

Nagstart na rin yung townhall pero halos wala rin akong naintindihan dahil maya't maya akong ginugulo ni Agnes at napapansin ko na tumatagilid si Sasha ng konti para makita niya si Agnes. Magkakastiff neck ka lang nyan girl.

Nung nagsabi silang may 15-minute break, bumaba muna kami nila Nicole para bumili ng kape pero naiwan si Agnes at si Alex sa taas. Pagbalik namin, nakita ko na katabi na ni Agnes si Sasha.

"Ay baks. Ayan!"sabi ni Nicole sa 'kin.

"Ayan ang alin?"

"Siya yun! Siya yung sinasabi ko sa'yong bet si Agnes."

"So?"

"Ay ang sungit ni bakla."sabi ni Nicole.

"Hayaan mo siyang magkagusto kay Agnes. Di naman natin mako-control sinong magkakagusto sa kanya."

"True. Ang mas importante daw sino yung bet ni Agnes."sabi ni Jam.

"Eh kaso di ka rin sure kung ikaw yun."dagdag niya sabay tawa sila ng tawa ni Nicole.

"Pakihanap nga."sabi ko sa kanilang dalawa.

"Ang alin?"sabi ni Nicole.

"Yung paki ko."

"Ay palaban si baks. Sige baks kaya mo yan! Nawa'y manalo ka sa sarili mo."sabi nila tapos bumalik na sila sa upuan. And since bumalik na si Jam sa pwesto niya, umalis na rin si Sasha.

"Nako Agnes, umilag ka."sabi ni Jam.

"Bakit?"nagtatakang tanong ni Agnes.

"Someone just unleashed the mother of dragons."sabi ni Jam.

"Ikaw Jamantha, hindi ka talaga titigil?"sabi ko.

"Nagseselos ka ba wifey?"sabi ni Agnes.

"Hindi nga! Bakit naman ako magseselos?"

"So..."

"Anong so?"

"So okay lang ba if lumabas kami ni Sasha?"

Naramdaman ko na uminit yung tenga ko sa sinabi ni Agnes. I opened my mouth to speak pero hindi ako makabuo ng isang sentence.

"Nako Reoma lagot ka. Sa labas ka matutulog."sabi ni Jam.

"Sa labas naman talaga ako natutulog."sagot ni Agnes.

"Wala akong paki kung lalabas kang kasama siya."sabi ko sa kanya.

"Chars lang wifey. Sabi ko naman sa'yo wala akong idedate na iba di ba?"

"Tigilan mo nga ako Agnes."

"Bakit di mo ako binilan ng kape?"sabi niya then she frowned.

"Bakit hindi ka kay Sasha magpabili?!"sabi ko sa kanya.

"Hwoh. Kalma wifey. Kumalma ka lang. Di ka pala nagseselos ah."sabi niya sabay ngiting-ngiti siya.

"Hoy. Hindi ako nagseselos. At wala nga akong paki kung lalabas kang kasama siya. Gusto mo makipagdate sa iba? Go ahead."sabi ko sa kanya.

"Nakita mo ba yun?"sabi ni Jam kay Agnes.

"Alin?"sabi ni Agnes.

"Yung usok sa ilong ni Pat sa sobrang inis niya?"sagot ni Jam sabay tawa silang dalawa ng tawa. Nakakabwisit talaga 'tong dalawang 'to.

"Alam mo wifey, cute mo pag nagagalit ka."

"Ah ganon? Then watch me become adorable pag hindi pa kayo tumigil dalawa!"sabi ko sa kanilang dalawa habang hawak-hawak ko yung iced coffee ko papunta sa mukha ni Agnes.

Nagulat ako nung biglang umakbay sa 'kin si Agnes and she pulled me in for a half-hug sabay uminom siya sa kape ko tapos ngiting-ngiti siyang tumingin sa 'kin.

"Don't be jealous Khaleesi, you have my loyalty."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon