Hingal na hingal na sinakay ni Agnes yung mga gamit ko sa sasakyan. I wanted to drive kasi alam kong puyat si Agnes pero ayaw din niyang pumayag.
Habang nasa byahe kami, nagpatugtog lang din si Agnes and since siya ang driver, hinayaan ko siyang mamili ng mga kanta. Basta pag may alam akong kanta, sinasabayan ko lang din at kumakanta rin ako. I saw Agnes smiling.
"O bakit? In-love ka nanaman sa 'kin?"sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero ngumiti lang siya.
"Alam mo dapat ka mag-cover."sabi niya sa 'kin.
"Talaga? Anong magandang i-cover ko?"
"Yung bibig mo."sagot niya kaya binatukan ko siya.
"Aray!"
"Ganon? Akala mo naman siya magaling kumanta eh."sagot ko sa kanya. Natawa lang din siya.
"Wala naman akong sinabing magaling ako kumanta ah. Pero ikaw, kung aayusin mo, pwede ka naman kumanta eh."sabi niya sa 'kin. I rolled my eyes at her.
Habang nasa drive kami, tinuloy ko lang yung pagkanta at minsan sinasabayan din ako ni Agnes. Nasa tono naman siya kumanta pero mahina lang yung boses niya. Natatawa lang ako sa kanya kasi sumasabay din naman siya sa trip ko.
Pagdating namin sa venue, andun na silang lahat. At mukhang kami na lang ang inaantay nila. Bumeso lang din ako sa kanila tapos nag-ayos na rin kami ni Agnes ng gamit namin.
"Guys. Settle na muna kayo ah. Tapos may announcement kami ni Pao."sabi ni Migs.
"O Agnes. Parang puyat na puyat ka ah."sabi ni Andrew.
"Si Pat kasi eh pinupuyat ako."sagot ni Agnes at nakita ko na tumingin sa 'kin si Andrew at si Jam habang ngiting-ngiti silang dalawa.
"Hoy Jamantha! Utak mo ah. I-detox mo yan."sagot ko sa kanya.
"Hoy Patricia Mae wala akong sinasabi ah. Ikaw tong kailangan magdetox ng utak eh."
"Nightmares, okay? Ilang araw na akong binabangungot."sabi ko kay Andrew na nakatingin pa rin sa 'kin.
"Same dream?"sabi ni Toni. Tumango ako.
"Anong napapanaginipan mo?"tanong ni Toni.
"May humahabol daw sa 'kin eh. Pero di ko naman makita kung sino or ano."
May sasabihin pa sana si Toni nung bumalik na si Migs at si Pao.
"Okay guys. Bago tayo magstart, may gusto lang talaga kasi kaming sabihin ni Pao. I mean, alam ko namang nung unang beses palang na nagmeet tayo, iba na agad yung naramdaman ko. And I think... worth it naman tanungin kung... ano ba talaga tayo..."
"Ay si Pat ka ghorl?"sabi ni Andrew.
"Gagu."sagot ko. "At excuse me. May label kami."
"Ah.. may label. O anong label?"
"Officemate."sagot ko.
"Weh?"
"Condomate."sabi ni Agnes.
"Lang?"
"Friends."sabi namin ni Agnes.
"Lang? Maniwala sa inyong dalawa."
"Best friends."dagdag ni Agnes.
"Sus. Best friends."
"Bestfriends for life. Happy?"sagot ko sa kanila. Hindi talaga sila titigil.
"Ah.. best friends."sabi nila Andrew. Minsan talaga sarap batuhin nitong mga to eh.
"For life."dagdag ni Migs.
"Bestfriends."ulit ni Jam.
"For life."dagdag ni Keifer.
"Okay guys. Moving on."sabi ko.
"Di namin problema yang mga label na ganyan."sabi ni Agnes.
"Labeler ka ghorl?"sabi ni Jam kaya natawa kami. "Ang sabihin niyo kasi mag-jowang hilaw kayo."dagdag niya. Tiningnan ko siya ng masama.
"Ah.. hindi titigil?"pagbabanta ko kay Jam.
"Alam niyo kasi, kahit wala kayong sabihin kita naman. Kasi kung makatitig tong si Agnes kay Pat wagas eh."sabi ni Migs.
"Wag na nga kayo magtanong dyan. Basta sa 'kin na yan."sabi ni Agnes kaya binato ko siya ng tissue habang ngiting-ngiti naman sila.
"Ay tuloy kayo. Pasok kayo sa Walled city of Reoma."sabi ni Andrew kaya natawa kami. Sira talaga 'tong mga 'to.
"Ah bestfriends."sabi ni Pao at ni Migs ng sabay.
"For life."sabi ni Toni at Jam. I rolled my eyes.
"Anyway."sabi ko kay Migs. Tumawa lang muna siya sabay tinuloy niya na yung sinasabi niya.
"Anyway, napag-isipan namin kasi ni Pao, na sobrang solid nung ginawa nating jam last time and naisip namin na, why not make it official? Pero you don't need to answer now. You can think about it, and it's okay kung tatanggi kayo."sabi ni Migs.
Napaisip tuloy ako. I mean, nag-eenjoy din naman ako sa pagtugtog but I'm not sure how we could work around our schedule. Nagtinginan kaming lahat and no one wanted to speak up first.
"I'm g."sabi ni Jam. "Are you g?"
"G rin ako."sabi ni Agnes tapos tiningnan nila akong dalawa. Nakakapressure naman 'tong dalawang 'to.
"Patty, don't worry. We can work around your schedule if you're busy. Pero we're not forcing you, just letting you know that we acknowledge na busy ka rin naman talaga."sabi ni Pao. Tumingin din sa 'kin si Agnes and she gave me a reassuring smile.
"Okay, g."