Nagdecide si Agnes magstay though I saw the hesitation on her face. Alam ko na mapapagalitan siya ni direk kaya sinabihan ko si Papa na kausapin na lang. Well, magkaibigan naman kasi si Direk at si Papa. Isa pa palagi na lang si Agnes ang gumagawa ng paraan for things to be better for me, it's time na ako naman.
Kaya nung pumayag si Direk na okay lang mag-skip si Agnes ng one day, nakahinga talaga ako ng maluwag. Naiintindihan naman daw niya and importante na magstay si Agnes kasama yung mahal niya. I swear, wala naman akong kinakain but I choked. Kitang-kita ko kung gaano kalaki yung ngiti ni Papa. Well, at least she won't get in trouble for my request. Ilang ulit ko na siyang pinahamak eh.
"O ayan ah. Pumayag na si Direk. Pwede ka na magrelax."sabi ko kay Agnes habang pababa ako ng hagdan. Natawa siya.
"Alam mo, kahit naman hindi siya pumayag, I would still stay. Di bale na mapagalitan, basta napagbigyan ko yung wifey ko."
"Tse! Alam mo pinagsisisihan ko na 'atang pinagstay kita."sabi ko sa kanya.
"Akala ko ba you want to be with me tonight?"pang-aasar na sagot ni Agnes. Sabi ko na nga ba eh, I would regret what I said.
"Lumayas ka na nga! Bumalik ka na ng Sagada!"
"Ikaw naman. Titigil na ako. Ayoko na sirain yung moment."sabi niya.
"Hala. Ang lakas ng ulan sa labas."sabi ko habang nakadungaw ako dun sa bintana.
"Oo nga eh. Ang sarap maligo."sabi ni Agnes.
To be honest, hindi ko pa nasubukang maligo sa ulan. Siguro kasi nung bata ako lagi akong pinagbabawalan ni Mama kasi dahil ginawin ako at madali akong sipunin at magkasakit. Eh ngayong I'm older, ang weird naman na maligo ako sa ulan ng walang dahilan. Nabasa naman na ako ng ulan, pero iba kasi yung naligo ka sa ulan for fun.
"What are you thinking of wifey?"sabi ni Agnes.
"Wala lang. Naisip ko lang na in my 25 years of existence, hindi ko pa natry maligo sa ulan."
"Seryoso?" I nodded. Akala ko tatawa si Agnes o mang-aasar pero ngumiti lang siya.
"Tara! Take your board. And protective gears!"sabi niya sabay hinila niya ako papunta sa pinto.
"Huy sandali! Baka magalit si Mama and aren't we too old for this?"sabi ko sa kanya habang inaalis ko yung braso ko mula sa kamay niya.
"Wifey, we are never too old to try out new things. Or are you worried na baka masyadong madulas for you to use your long board?"sabi niya. Umiling ako.
"No, I can control it naman. Pero baka kasi kung anong sabihin ng mga kap--"
"Then let them say what they want. Tara na!"sabi niya. Pinag-iisipan ko pa rin kung sasama ba ako sa kanya.
"Wifey, stop thinking. Just jump. Let's go?"sabi niya then she gave out her hand and I just took it.
Paglabas namin, sobrang lakas nga nung ulan. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag pero mukha kaming dalawang tanga ni Agnes na tumatakbo sa ulan. And since medyo madulas nga yung kalsada at madilim na, habang nakasakay ako sa long board, inaalalayan ako ni Agnes.
She was just smiling and I found myself smiling too. We both were laughing for the smallest of reasons. Alam mo yung wala namang punchline pero tawang-tawa kayong dalawa. Feeling ko nakalanghap kami ng laughing gas. I looked at Agnes and para siyang bata na tumatawa, she was throwing her head back laughing while one of her arm is around her stomach, and we were both clinging at each other's hand for support. I smiled as I looked at Agnes. Ganito pala yung feeling. I felt my smile widen.
Tama nga sila.
Masarap ngang maligo sa ulan.