Part 115

397 4 0
                                    

Nagulat pa ako nung biglang tumunog cellphone ko at nakita ko na tumatawag pala si Nicole. Bakit parang hindi ko naman narinig kanina?

"Hello?"

'Baks! Inom tayo. Libre ka ba? Sama mo si Agnes at si Jam.' sabi ni Nicole.

"Si Jam na lang. Umalis si Agnes."sagot ko.

'Keri lang. Sige. Dadala ka car? '

"Oo. Unless susunduin mo ako baks."

'Bakla ka ikaw may sasakyan ako susundo? '

"Kaya nga ako na magdadala. Pero baks, sa malapit na lang tayo sa condo mo mag-inom. Gusto ko mag-walwal eh. May kwento ako."

'Ay. Parang alam ko na yang mga ganyang tono baks. Sige daanan mo si Josephine Amelia ah.'

"Sige baks. Bye."sabi ko sa kanya tapos binaba ko na at nag-ayos na rin ako. Pagdating ko sa bahay nila Jam, halatang nagulat siya. Hindi pala namin siya natawagan. Pero kaladkarin naman siya kaya sumama rin siya agad sa 'kin.

Pumunta na kami dun sa resto bar malapit sa condo ni Nicole tapos umorder na kami ng drinks namin at pagkain.

"O anong kwento mo baks?"sabi ni Nicole.

"Umamin na sa 'kin si Charlie."sagot ko.

"Shuta. Akala ko magaang inom 'to. Pang-malakasan agad ang kwento."sabi ni Jam. Natawa tuloy ako.

"Gaga. Hindi ka ba naorient? Walwal sesh 'to. Tipong di ka uuwi."sagot ko sa kanya.

"Sana inorient niyo ako. Di ata ready atay ko."sabi ni Jam.

"Sorry na Josephine. Kasalanan ko. Nalimutan kitang tawagan kasi itong si bakla biglang nagsabi na may kwento siya."sabi ni Nicole.

"Para sa mga kaibigan nating hindi natin niready ang atay."dagdag niya.

"Cheers."sabi naming tatlo tapos sabay-sabay namin ininom yung shot.

"Eh bakit parang hindi ka naman masaya na umamin na siya sa'yo?"sabi ni Jam.

"Yun nga eh. Alam mo yung promise talaga, nung andun ako, sabi ko talaga sa sarili ko, dapat masaya ka. Dapat kinikilig ka. Pero wala mga bakla. Wala akong naramdaman."sabi ko sabay ininom ko yung shot ko.

"Baks. Nalilito na ako. I went out on a date with Charlie just to convince myself na siya pa rin, pero nung andun na ako, wala. Alam mo yung feeling na for almost five or six years na nga 'ata, I've always loved Charlie. Yung feeling na sobrang mahal mo yung tao, ang tagal mo siyang inantay, and then nung andun na yung moment, wala. Parang ang tagal nung build up pero wala."sabi ko sa kanila.

"I guess you are right. I feel na I just held on to that feeling for the sake of holding on to it. Yung tipong, gets niyo ba? Yung feeling na gusto mo na lang siyang mahalin pa rin cause that's all you've ever known?"dagdag ko.

"Aray, hinay-hinay tayo. Baka hindi lang sweet yung way niya nang pag-amin."sabi ni Jam.

"Ewan ko nga baks. Alam mo bang binigyan niya ako ng roses. Baks favorite ko yun di ba? Pero parang at that time, feeling ko ordinary lang siya. Na parang hindi ko siya favorite, ewan ko ba kung anong nangyayari sa 'kin."sabi ko sa kanila. For some reason, my old favorites seemed to have changed. Naguguluhan na 'ata talaga ako. Tapos narinig ko bigla yung music. Leshe.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon