Nakita ko na nakangiti lang si Agnes habang naglalakad kami na magkahawak ang kamay. Totoo nga yung sabi niya, this feels better. Napangiti na lang din ako. Bumalik lang kami sa condo tapos naglakad ulit kami papunta dun sa coffee shop na malapit.
I realized how small my hands are compared to hers. We were mindlessly just walking and parang bigla lang akong natauhan nung dumating na kami sa coffee shop at narealize ko na maraming tumingin sa 'min kaya bigla akong napabitaw.
"O why?"sabi niya.
"Wala."
"Nasasanay na akong hawakan kamay mo wifey ah. Baka mamaya nyan di ko na yan bitawan."sabi niya.
"Umorder ka na nga!"sabi ko sa kanya tapos naghanap na rin ako ng free na upuan.
Napatingin ako kay Agnes habang umoorder siya and on the way papunta sa 'kin naharang siya at may mga nagpapapicture sa kanya. Buti na lang talaga binitawan ko rin yung kamay niya kung hindi baka maissue pa kaming dalawa. Ang ginaw naman dito sa pwesto namin.
"Giniginaw ka?"sabi niya. Tumango lang ako. Tapos umupo siya sa tabi ko at hinawakan yung kamay ko tapos nilagay niya sa loob ng bulsa niya yung kamay namin. Napangiti na lang ako.
"Paano mo nalaman na ito yung favorite kong coffee dito?"tanong ko sa kanya.
"Hmm... gut feel. I just feel na you are a cold brew person."sabi niya.
"Bakit naman?"
"Cold ka eh."sagot niya kaya kinurot ko siya.
"Aray! Grabe ka naman wifey. Baka magpasa yan ah."sabi niya. Nagkwentuhan lang din kaming dalawa ni Agnes at infairness naman, maayos siya kausap tonight.
Nakakatuwa siyang pakinggan kasi marami siyang insights on so many things, lalo na sa music. And I guess masyado ring wide yung music na pinapakinggan niya kaya marami siyang influences. Nalaman ko rin na natuto lang siya magbass on her own and using a phone app. Feeling ko lalo akong humanga sa kanya. Maya maya inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak sa 'kin and kinuha niya yung headset niya at phone niya.
"Here listen."sabi niya tapos inabot niya sa 'kin yung isang side nung headset tapos nagulat ako na kinuha niya ulit yung kamay ko at nilagay niya sa loob ng bulsa niya yung mga kamay namin. I smiled as I listened to the song. Natawa ako kasi sabay kaming nagbop ng head kasabay nung kanta.
"Alam mo, one of these days, gagawan kita ng playlist."sabi niya.
"Why?"
"So that you could expand your music choices as well. Makakatulong yun sa creative process mo."sabi niya. Napangiti na lang ako. Maya maya nagulat ako kasi tumugtog yung kanta ng SUD. Akala ko ii-skip ni Agnes yung track pero hindi naman niya nilipat.
"Do you miss her?"tanong ko sa kanya habang umiinom siya nung kape.
"Raisa?" Tumango ako.
"Well akala ko nung una, oo. But when I saw her last time, I realized na, hindi na siguro. Though ewan ko. Ganon naman di ba? When you see the person, parang wala lang, but once you get to talk again, dun mo marerealize kung may nararamdaman ka pa ba sa kanya."
"Hindi pa ba kayo nagkausap ulit?"
"Since the breakup."
"Grabe. Hindi mo man lang ba naisip na kausapin siya to get some closure?"
"Alam mo, minsan not having closure is closure."
"Pero what if hinabol ka niya? Would you take her back?" She shrugged.
"Mahirap magsalita ng tapos wifey. I guess, kung kami, eh di kami di ba?"sabi niya tapos sabay kaming humigop nung kape.
"May tanong ako wifey."
"Hm?"
"Do you think there's a chance that you'd fall in love with me?"
Hindi ko alam kung bakit pero nasamid ako sa tanong ni Agnes. Kaya inubo ako ng inubo. Halatang nagpanic din siya kaya nagmamadali siyang tumayo para kumuha ng tubig.
"Sorry ang kalat ko. Ano ba yan."sabi ko sa kanya habang nagpupunas ako ng bibig.
"Grabe ka naman wifey. Pwede mo namang sabihing walang chance."sabi ni Agnes habang natatawa siya.
"Bakit mo naman kasi naisip itanong yun?"
"Wala lang. I just think na this whole situation would have been easier kung mahal natin yung isa't isa. But I guess, di natuturuan yung puso di ba?"
"Huy. Soft hours na ba? Bakit ang drama mo?"sabi ko sa kanya.
"Iba ata tama sa 'kin eh."
"Nung kape?"
"Hindi."
"Eh alin?"
"Tama ko sa'yo."
