Sa sobrang gulat ko muntik ko na mabitawan yung cellphone ko. I had to blink twice to check again. Nandun nga si Agnes sa may curbside at nakasandal sa hood ng kotse niya.
"You know I'm starting to believe that we can summon her."bulong ni Jam.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Sabi mo kasi hindi pa kayo nakakauwi. I got worried and I just wanted to make sure na makakauwi kayo ng safe."sabi ni Agnes. "Tara?"dagdag niya tapos pinagbukas niya kami ni Jam ng pinto.
"Pa-fall ka talaga."sabi ni Jam tapos sumakay na rin siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan kami ni Agnes. Parang kanina lang kausap ko pa siya sa phone tapos ngayon andito na siya. Hinatid lang namin si Jam sa bahay nila at dahil hindi naman na traffic, mabilis lang din kaming nakarating.
Habang nasa byahe na kami pabalik nagulat ako nung hinawakan ni Agnes yung batok ko and gave it a light press."How was your day?"tanong niya. Hindi ko alam kung bakit pero nagulat ako sa pagtatanong niya. Pero I don't even know where to begin.
"Tired?"sabi niya tapos ngumiti siya. I realized how nice Agnes's smile was. It was warm and comforting. Parang after a very tiring day, it would probably be nice to come home to it. I smiled in return.
Hindi ko na alam kung anong nangyari, but when I opened my eyes, nasa parking na kami ng condo. Nakatulog siguro ako.
"Wait lang. Let me get something."sabi ni Agnes habang may inaabot siya sa glove box niya. At pagbukas niya, tumama sa tuhod ko yung glove box.
"Aray!"
"Ay sorry!"sabi niya.
"Sabihin mo lang kung galit ka ah."sabi ko sa kanya. Natatawa naman siyang nag-sorry ulit. Isasara na sana niya pero mukhang hindi lumapat yung lock kaya bumukas ulit at tumama ulit sa tuhod ko.
"Ow! Ano ba?!"sabi ko sa kanya.
"Sorry. Sorry! Andyan kasi yung wallet ko."sabi niya tapos bumaba na siya ng sasakyan at pinagbukas niya ako ng pinto.
Pagdating namin sa unit, nilapag ko lang yung bag ko tapos nag-ayos na ako para matulog. Pagtingin ko sa relo ko, 2:30 na rin pala ng umaga. Nakita ko na nasa sofa na si Agnes pero gising pa rin siya.
"Hindi ka na ba pupunta ng Bulacan?"sabi ko sa kanya.
"Uhm QC na lang daw yung meeting later eh."sabi niya.
"Nagpakahirap ka pa pumunta dito, pwede ka rin naman magmula dun to go to QC."
"Okay lang yun. I wanted to have breakfast with you din naman."
Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa sinabi ni Agnes. Hindi pa rin talaga siya pumapalya sa pagsabay sa 'kin kumain ng breakfast.
"Kinilig ka nanaman. Tulog mo na yan."sabi niya.
Umiling na lang ako. Pa-fall talaga 'tong si Reoma.