Tiningnan ko sila Grace at kahit sila mukha rin silang kinabahan. Bakit parang napatawag kami sa principal's office? Tumango na lang ako.
Lumabas kami ni Tita Cy sandali at bigla akong nakaramdam ng ginaw. Hindi ko alam kung dahil sa usual climate ng Baguio o sa sobrang kaba ko.
"Tricia, alam mo bang dati dinala ni Agnes dito si Raisa para makilala namin?"sabi niya. Bakit niya sa 'kin 'to sinasabi? Umiling lang ako.
"Raisa is a... she's a very sweet girl. She's nice, and mukhang nagustuhan din siya ng mga kapatid ni Agnes."dagdag niya. Where is this going?
"But..."sabi niya. "But seeing Aji around her makes me feel na hindi naman masaya yung anak ko. Yes, she smiles a lot. Alam mo bang bata palang si Agnes bungisngis na siya? But I know my daughter enough to know when she's half-heartedly smiling."dagdag niya. Kinakabahan pa rin ako. Ano bang gustong sabihin ni Tita Cy? She was serious and she was making me more nervous.
"And now there's this whole wedding thing para sa inyong dalawa. Minsan kapag tinitingnan ko si Agnes, iniisip ko kung tama bang ipapakasal namin kayo, kasi I only want what's best for her and what would make her happy."sabi niya. I felt my heart sank.
"Parang mali na ipakasal namin kayong dalawa."
Naalala ko na sinabi ni Papa na yung dahilan kung bakit ayaw ni Tita Cy kay Raisa is because she doesn't see that Agnes is happy with her. And now I think she finally realized na mali nga 'tong kasal na 'to.
"But I can tell that Agnes is happier with you."
Ano daw? Parang bigla akong nabingi. Biglang ngumiti sa 'kin si Tita Cy.
"Thank you Tricia, for making Aji happy. I know, we somehow forced you both into this, pero nakikita ko naman how happy Aji is. I've been feeling guilty kapag naiisip ko na I made her do something against her will. Pero seeing her happy somehow makes me feel na we made the right decision na ipakasal kayong dalawa. Aji has been smiling a lot lately at bumalik na yung masayahing Agnes na kilala ko."sabi niya. Hindi ko alam paano ako magrereact sa mga sinabi ni Tita Cy kaya buti na lang din at lumabas na sila Agnes mula dun sa bahay nila.
"O what's happening?"sabi ni Agnes. Umiling lang ako.
"Sige po tita, mauna na po kami."sabi ko tapos nag-mano lang kami sa kanya at umalis na rin.
Habang naglalakad kami papuntang Burnham, hindi ko maalis sa isip ko yung sinabi ni Tita Cy. I'm not even sure if I should be happy na napapansin nilang masaya si Agnes. Hindi ko alam, pero mas lalo akong natakot na paano pag nasaktan ko siya?
"Wifey, okay ka lang?"sabi ni Agnes habang naglalakad kami. Tumango lang ako.
"May sinabi ba sa'yo si Mama?"tanong niya. I can tell that she's worried kasi nakakunot yung noo niya and she sounded different.
"Wala. Okay lang ako."sabi ko sa kanya tapos dumerecho lang ako sa paglalakad pero bigla akong napahinto sa lakas ng hatak sa 'kin ni Agnes.
"Pat, what's wrong? Safe space di ba?"sabi niya. I sighed.
"Masaya ka ba?"tanong ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa tanong ko.
"What? Oo naman. Why?"
"Aji, ang dami kasing nagsasabi sa 'kin how you seem happier lately. And it scares me na baka one of these days masaktan kita and -- bakit ka tumatawa?"
"How bold of you to assume na ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya."sabi niya. I glared at her.
Why do I even bother? Pero totoo naman nga, bakit nga ba ako naga-assume na dahil sa 'kin kaya siya masaya?
"Wifey."sabi niya nung nagsimula na ulit kami maglakad. "Pwede bang..."
"Ano?"
"Pwede ba tayong magkita ulit bukas?"
"Pagtapos mo ako sagutin ng pabalang, sinong nagsabi sa'yong gusto kitang makita ulit bukas?"sabi ko sa kanya. Natawa siya.
"Kasi alam ko namang hindi mo ako matitiis."sabi niya.
"Wow, how bold of you to assume na hindi kita matitiis."sagot ko sa kanya. Lalo lang siyang natawa.
Pero hindi ko alam kung bakit ako natuwa nung sinabi ni Agnes yun, but I just found myself nodding and Agnes just smiled at me.
Since nandito na kami, might as well sulitin ko na nga di ba?