Maya maya bumalik nanaman si Agnes sa harap ko at nakadungaw siya sa cubicle ko. Humihiram lang siya ng ballpen tapos aalis na ulit. Mga limang ulit niya na 'ata yun ginagawa kaya nagsisimula na akong mainis. Maya maya may dumudungaw nanaman sa cubicle.
"ANO BA?!" Pagtingin ko, nagulat ako na si Charlie pala.
"Sorry. Pero pwede bang humiram ng ballpen? Naiwan ko kasi sa floor namin yung ballpen ko."sabi ni Charlie. Nahiya naman tuloy ako.
"Oo wait lang. Ito. Sorry, akala ko kasi si Agnes eh. Kanina pa kasi siya nanggugulo."sabi ko sabay inabot ko sa kanya yung ballpen.
"Ah. Okay lang. Thank you dito."sabi niya tapos binalik niya na yung ballpen ko. Sinundan ko lang ng tingin si Charlie habang papunta siya sa pwesto ng boss ko. Sana laging may papapirmahan si Charlie para lagi ko rin siyang nakikita. Dumaan lang din ulit siya sa pwesto ko para magpaalam.
After office, nagtext si Mama na magdinner daw kami at isama ko daw si Agnes. Nasa area lang din daw kasi sila. Nung natapos na si Agnes sa mga ginagawa niya, nagdecide na kami na pumunta sa sakayan ng taxi. Kaso ilang minuto na yung dumaan, wala pa rin kaming nakukuhang taxi. Nagtry din kami magbook sa Grab pero dahil peak hour, di kami makakuha. Ang tagal naman. Lumipat kami ng pwesto ni Agnes.
"Gusto mo na bang makasakay?"sabi ni Agnes.
"Malamang. Dapat kasi dun tayo sa kabila nag-abang eh."
"Walang problema yan."
"Anong walang problema? Eh kahit nga mga jeep ayaw tayong hintuan."sabi ko sa kanya.
"Gusto mo na talagang makasakay? Gusto mong hintuan nila tayo?"
"Oo nga."sagot ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti. Ano nanaman kayang -- TANGINA
Napapikit ako at nakataas ang dalawang kamay dahil tinulak ako ni Agnes papunta sa kalsada at muntik na akong mabangga. Hayop talaga 'tong si Reoma! Dimunyu talaga! Pisting yawa!
"O ayan. Tara na!"sabi ni Agnes sabay hinila niya ako.
"HOY! Sa susunod pumara kayo ng maayos ah!"sabi ni Manong Driver. Buti na lang talaga hindi niya ako nabangga. Sa sobrang gigil ko kay Agnes kinurot ko siya.
"Dimunyu ka!"sabi ko sa kanya.
"Aray! Aray! Sabi mo gusto mo na sumakay."sabi niya.
"Bwisit ka talaga!"sabi ko tapos kinurot ko ulit siya.
"Aray! Aray! Tigilan mo nga!"sabi niya.
Kumakabog pa rin yung dibdib ko sa sobrang takot. Sobrang muntik na talaga akong mabangga nun. Napakareckless nitong si Agnes. Paano na lang kung nabangga ako?
Ilang minuto pa dumating na rin kami sa mall. Buti na lang at hindi masyadong traffic. Nakipagunahan pa sa 'king bumaba si Agnes ng jeep. Nung pababa na ako, natapakan ko yung sintas ko kaya natalisod ako at dumerecho kay Agnes. Buti na lang talaga at nakababa na siya, kaya thankfully nasalo niya rin ako.
"Mga para-paraan mo ah. Itali mo yang sintas ng sapatos mo."sabi niya sa 'kin habang tinutulungan niya akong hanapin yung balanse ko.
"Hoy excuse me. Hindi ko sinasadyang mahulog at magpasalo sa'yo."
"Aba wifey. Ang aga mo naman 'atang mahulog sa 'kin?"