Part 89

363 4 0
                                    

Halos 10 am na pero hindi pa rin nagigising si Agnes. Kaya bumalik ako ng kwarto to check on her.

"Aji."

"Hm?"she grunted pero di pa rin siya bumangon.

"Past 10 na. Di ka pa ba tatayo?"

"I can't."sabi niya. "Ang sakit ng ulo ko."

"Kaya mo ba?" Tumango siya pero hindi siya dumidilat.

"Let me get you meds."sabi ko sa kanya. Tumango lang ulit siya kaya lumabas na muna ulit ako para ikuha siya ng pagkain.

"O? Tulog pa si Agnes?"

"Hindi makabangon. May hangover."sabi ko. "I'll just get her food and dalhan ko lang din siya ng meds."dagdag ko. Tinulungan naman ako nila Andrew na iprepare yung food niya.

Pag akyat ko, nakasandal lang si Agnes sa headboard ng kama at minamasahe niya yung ulo niya. As I came near, napansin ko na medyo teary eyed siya. Masakit siguro talaga yung ulo niya. I stiffled a laugh nung napansin kong mukhang nagka-pasa nga yung mukha niya sa sampal ko kagabi.

"Kumain ka muna."sabi ko sa kanya. "Subuan ba kita?"dagdag ko. Ngumiti lang siya. Masakit nga ulo, di makapatol eh.

"Ako na. Iwan mo na lang din yung meds dyan so that you could go downstairs. Sayang yung araw if you'll just watch me eat."sabi niya.

"Okay. But will you be okay?"

"Oo naman. Don't worry."sabi niya kaya lumabas na rin ako.

Nakita ko na nasa may cottage na ulit sila Toni habang nasa may dagat naman sila Paolo. Naglakad lang din ako at umupo dun sa cottage. Nagdecide kami nila Toni na pumunta malapit sa beach para magpicture. Pero bumalik din kami sa cottage nung medyo mataas na yung araw.

Maya maya dumating lang din si Agnes and she looks like she is finally feeling better. Pero di siya masyadong gumagalaw until tinawag na kaming lahat para mag-ayos kasi kailangan na naming bumalik ng Manila.

Feeling ko nakatulog lang ako the whole time kasi nung nagising ako, nasa tapat na kami ng condo. Tinulungan lang ako ni Agnes ibaba yung mga gamit namin tapos umakyat na rin kami sa unit. Inayos ko yung gamit ko and I noticed na nag-iimpake si Agnes.

"O, where are you going?"sabi ko sa kanya.

"I forgot to tell you. Gusto kasi nung director na kasama na ako sa shoot para daw mas madaling maisipan ng music yung scenes and para mas mabilis daw."

"Wait, eh pwede naman natin yun gawin post production ah. Bakit kailangan na andun ka pa?"sabi ko sa kanya.

"Yun gusto ng client eh and they want it to be immersive. And okay lang naman since magbibigay naman daw sila ng hotel."sabi niya.

"Hanggang kelan ka dun?"

"Until mid November."sabi niya.

"But that's almost 3 weeks." I frowned. Ang haba pala ng period na wala siya.

"You can manage naman di ba?"sabi niya sa 'kin.

"Oo naman."

"Then why are you frowning?"sabi niya.

"Wala."

"Aba wifey, don't tell me na mamimiss mo ako?"pang-aasar niya.

"Mukha mo. Naisip ko lang na wala akong masarap na coffee for three weeks."

"Well, para naman mamiss mo ako."sabi niya.

"Yung kape mo lang, hindi ikaw. Ang sabihin mo, ako ang mamimiss mo."sagot ko sa kanya.

"Eh paano kung sabihin kong oo?"

"Eh di oo. Mamimiss mo ako."

"Ako hindi mo mamimiss?"ulit niya tapos nagpout siya.

"Hindi."sabi ko sa kanya tapos binuksan ko na rin yung pinto ng kwarto.

"... konti lang."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon