Part 60

414 6 0
                                        

I paused and I stared at Agnes. The seriousness in her voice was very unmistakable kaya natigilan ako.

"Huy nang-aasar lang ako, seryoso ka naman dyan."sabi ko sa kanya.

"But, I can manage okay? Kasi paano rin ako papasok if ihahatid mo ako."sabi ko sa kanya.

"Yeah, but pwede naman ako magcommute pabalik ng Makati."

"Uy hindi na. I'm fine. Kaya ko okay? Don't worry."

"Okay. But drive safe okay? Stop using your phone when driving." I nodded. Ano bang nakain niya today at sobrang caring naman 'ata niya?

"Ihatid na lang kaya kita?"sabi niya ulit.

"Agnes, I'm fine. Kaya ko 'to. Dati pa naman ako nag-uuwian eh. Isa pa, plan ko naman isabay pauwi si Charlie kaya may kausap naman ako."sabi ko.

"Ah. So that's why."sabi niya.

"Anong that's why?"

"Kaya naman pala ayaw mong magpahatid sa 'kin. Kasi kasama mo si Charlie."

"O bakit?"

"Paano kung ayoko?"

"Anong ayaw mo? Hindi naman ako nagpapaalam sa'yo. Pinapa-alam ko lang. Sabi mo di ba, if I am going out with someone, I should at least tell you. O ayan."

Hindi na sumagot si Agnes and she just stayed quiet for the whole day. Sa totoo lang, nanibago ako bigla na hindi siya nagsasalita. Eto nanaman siya sa scary silent Agnes. Ang labo naman kasi niya. Sabi niya iinform ko siya di ba? O ngayong sinasabi ko sa kanya, tahimik naman siya. Lumabas na ng studio si Agnes at bumalik sa workstation niya. Bumalik na rin ako sa pwesto ko.
Mag-uuwian na pero hindi pa rin ako kinakausap ulit ni Agnes. Hindi ko tuloy alam kung magpapaalam ba ako sa kanya o aalis na lang ako. Bakit ba kasi siya tahimik?

"Huy."sabi ko sa kanya habang nandun ako sa tapat ng workstation niya.

"Hm?"

"Bakit tahimik ka?"

"Busy lang."

"Kahit naman busy ka nakukuha mo pa rin akong inisin."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya pero hindi yung usual na ngiti niya na masaya.

"Sorry, harsh ba yung sinabi ko sa'yo?"

"No. It's okay. Stop overthinking, okay? Ingat ka pauwi."sabi niya tapos tumingin na siya ulit sa computer niya.

"Agnes."

"What?"

"Wag ka naman ganyan please."sabi ko sa kanya.

"Anong ganito?"

"Ganyan."

"Pat, you're not making sense." I frowned.

Hindi ko alam kung bakit nung tinawag niya akong Pat, suddenly it felt different. I mean, sure, I am super annoyed pag tinatawag niya akong wifey, but when she calls me that, it means we are okay. Nagulat ako na tumayo si Agnes bigla.

"Stop frowning, di ka cute."sabi niya. "Stop overthinking. I'll walk you to the elevator."dagdag niya tapos kinuha niya na yung gamit niya.

"Bakit sa elevator lang?"

"I thought you're leaving with Charlie?"sabi niya. Oo nga pala. Hindi ko pa rin pala nasasabihan si Charlie. Sana abutan ko siya. Tumango ako at kinuha ko na rin yung gamit ko. Inantay naming dalawa yung elevator tapos sumakay na rin ako.

Malapit ng sumara yung elevator nung bigla na lang nagsalita si Agnes.

"Wifey."

"Hm?"

"Don't miss me."sabi niya sabay kumindat siya.

"Don't worry, I'll try not to." I answered sarcastically. Natawa na lang siya and sumara na rin yung elevator. I sighed and shook my head.

Well, I'll try not to.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon