Since nakabalik na kami sa Makati at balik na rin kami sa office, sobrang naging busy na ulit kami ni Agnes na hindi na namin namamalayan yung araw. We've been juggling with gigs and work kaya sobrang pagod din talaga kaming dalawa.
By now I am already getting used to Agnes sleeping beside me. At sa totoo lang, I am always looking forward na makauwi na kami sa condo cause that's when I get to be closer to her again. Since we got back from Baguio, I learned to be a bit more comfortable in being clingy with Agnes basta kaming dalawa lang.
Minsan I ask her if she finds it uncomfortable pero hindi naman daw. Tonight, nasa Eastwood kami para sa New Year's Eve countdown. Grabeng daming tao. Mahaba haba rin yung set namin and nakikita ko na hinihingal na si Agnes pero ngiting-ngiti pa rin siya. Ang taas talaga ng energy niya.
After ng gig, mabilis lang din kami nagpaalam sa Bens dahil ayoko naman na sa daan kami abutin ng New Year. Nagcheck kami ng Waze at mukhang 11:57 kami dadating ng bahay. Sana hindi kami matraffic.
"Ako na magdrive."sabi ko sa kanya.
"Wag na. Ako na. Baka pag ikaw magdrive kahit New Year di natin abutin."
"Napakayabang."sagot ko sa kanya.
Mabilis namang nakapagligpit si Agnes at natatawa ako kasi feeling ko natataranta rin siya dahil hinahabol namin yung oras. Sumakay na siya tapos sinuot niya yung seatbelt ko kaya bigla akong napahinto.
"Sorry. Bagal mo kasi kumilos."sabi niya. I just rolled my eyes.
Habang nasa daan kami, nagpapatugtog lang din si Agnes. Natatawa ako kasi sobrang focused niya sa daan.
"Do you think we would make it?"tanong ko sa kanya.
"Safe driving."sagot niya pero naramdaman ko na medyo binibilisan na rin niya yung takbo. Medyo maluwag naman yung kalsada kaya hindi naman ako worried.
Habang nasa daan kami, nakakakita na ako ng mga fireworks. Sana talaga hindi kami abutin ng New Year sa daan. Kanina pa rin nagtetext si Bea sa 'kin kung nasaan na daw kami. Napatingin ako kay Agnes at sobrang seryoso ng mukha niya. Napressure ata siya sa oras. Pero dahil hindi nga traffic, nakarating din kami sa bahay with 11 minutes to spare. Papasok palang kami, sinalubong na agad kami ni Bea.
"Congratumalations!"sabi ni Bea tapos yumakap siya sa 'kin sabay bumeso at ganon din ginawa niya kay Agnes.
"We made it!"sabi ko pagpasok namin ng bahay. "Hi mommy!"sabi ko kay Mama tapos kumiss lang ako sa kanya.
Pagtapos nun, sinalubong ko lang din yung mga aso namin. Grabe, namiss ko sila. Ang tagal ko ring nawala kaya sobrang excited din talaga akong umuwi. Paglingon ko, nakita ko si Agnes na nakatayo lang malapit sa pintuan pero nung nakita niya na si Mama, lumapit siya para magmano. Tapos saglit lang nakipagkwentuhan na rin siya kay Jessie.
"Congratumalations! You're here on time!"sabi ni Bea. Natatawa ako sa sobrang hyper ng mga kapatid ko. Pero mukhang natuwa rin naman sila na kasama ko si Agnes.
At dahil malapit na nga magputukan, umakyat na kami sa balcony para makita namin yung mga fireworks. Hindi kami nagpapaputok kasi alam kong matatakot sila Max. Nagpaalam lang ako sa kanila na magpapalit lang muna ako ng damit. I saw Agnes's hesitation at natawa ako kasi naramdaman kong kinabahan siya na iiwan ko siya dun mag-isa. But wala siyang nagawa kasi nagmamadali na akong umalis.
Pagbalik ko, nakita ko na nakatingin lang si Agnes sa malayo habang katabi niya si Bea. Pareho lang silang nanunuod dun sa mga distant fireworks na lumalabas.
"How many minutes pa?"tanong ko sa kanila kaya sabay silang lumingon sa 'kin.
"I think last one minute pa."sagot ni Agnes tapos tumingin na ulit siya sa malayo. She had both her hands in her pocket habang nanunuod siya. Natawa ako kasi nakikita ko na kinakabahan siya. Strange. She's always been here and she's practically family pero halatang kabado siya ngayon.
Nung saktong 12 na, sumisigaw na kami ng Happy New Year but Agnes was still just looking out. Bumaba naman sila Mama para kumuha ng mga torotot at sumunod din agad sila Bea. Agnes was still unmoving from her spot kaya hindi ko na natiis and I gave her a hug from the back.
Halatang nagulat si Agnes kaya bigla na lang siyang lumingon sa 'kin.
"Happy New Year Aji."sabi ko sa kanya. She smiled then she turned around to face me and gave me a proper hug.
"Happy New Year wifey."
"Why are you so serious? You're like a totally different person."sabi ko sa kanya.
"Wala. I just thought na this year would be crappy, but now that we're coming into the new year, I just didn't think na it would turn out this way."sabi niya.
"Are you happy that it did?"tanong ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Oo naman. I think the universe knew I needed you even when I didn't."