Part 179

389 4 0
                                    

Bigla akong natigilan nung narinig ko yung boses niya. Kaya naman pala kulang na lang ipakain sa 'kin yung sunflower kasi madali ko siyang makikilala kaya kinuha ko yung bulaklak agad galing sa kamay niya at niyakap ko siya.

"I miss you too."sabi niya. Bumitaw din ako agad sa kanya kasi naalala ko na nasa office nga pala kami at maraming makakakita.

"At bakit mo naman naisip na ako ang magiging Reoma? Ikaw ang dapat maging Lasaten."

"Mas bagay naman sayo yung surname ko eh. Rhyming."sagot niya then she just smiled. Tiningnan ko ulit yung sunflowers. Ang ganda.

"Kaya pala hindi mo nanaman ako nireplyan."sabi ko sa kanya.

"Driving eh."

"Don't tell me na tumakas ka nanaman sa meeting mo at dumaan ka lang dito?"sabi ko sa kanya. Natawa lang siya. I frowned.

"I just dropped by para ibigay yan sa'yo personally. Hindi na tayo nag-aabot sa condo eh. And I might not be home for dinner. Kaya ayan -- And malapit lang meeting ko dito."sabi niya nung napansin niyang may sasabihin ako.

"Well, thank you. Pero seriously Aji, you need to stop with these surprises. Okay lang naman kahit wala. Social construct lang naman ang Valentines."sagot ko sa kanya.

"I know. But I wanted to cheer you up. You've been frowning in the photo eh."sagot niya.

"Speaking of photo. Bakit mo naman pinakuha pa yung picture na yun? Ang pangit ko kaya dun."

"Kelan ka ba gumanda?"

"Alam mo ang cute mo, sarap mong kurutin gamit ang nail cutter. Di talaga mabubuo araw mo nang di mo ako inaasar eh 'no?"

"Cute mo kasi kapag asar ka."sabi niya sabay kumindat siya.

"Anyway. See you tonight wifey."dagdag niya tapos naglakad na siya papunta sa elevator.

"Aji!"

"Yes?"

"Recharge please?"sabi ko sa kanya. Akala ko hindi niya magegets pero yumakap din siya. I hugged her tighter. Namiss ko 'to. Pero nagulat ako kasi bago siya bumitaw bigla niya akong kiniss sa noo.

"See you wifey."sagot niya tapos pinanuod ko lang siya hanggang makasakay siya ng elevator. Kumaway lang din siya bago tuluyang magclose yung pinto nung elevator.

Pagbalik ko sa office, napansin agad nila Jam yung dala kong sunflowers.

"Uy totoo na."sabi ni Jam. "Lakas talaga ni Reoma."dagdag niya.

"Oo yung manok mo pa-fall talaga eh."

"Ay o, taray ni bakla. Ansabe ng may pa-bouquet? Whatever happened sa social construct lang ang Valentines at wit gets kung bakit kailangan ipangalandakan ang mga pabulaklak?"sabi ni Nics.

"Eh nakakatamad kasi bumaba ng parking. At baka malanta siya sa kotse."sagot ko.

"Alam mo, gets ko na kung bakit bonggang bouquet ang binigay sa'yo ni Agnes."

"Bakit?"

"Extension yan ng bakod niya."sabi ni Jam. I rolled my eyes.

"Ay totoo. Sino bang mangangahas na lumapit pa sa'yo kung makikita nilang may hawak kang ganyan kalaking bouquet?"sabi ni Ria.

"Alam niyo grabe mga ideas niyo. Kung sa trabaho niyo yan binubuhos nang natatapos tayo!"sagot ko.

"Sus. Kinikilig ka lang eh. Pero sige na. Hahayaan ka na namin dyan. Enjoy your sunflowers."sabi nila.

I looked at the sunflowers and napangiti na lang ako. Dati talaga mahilig ako sa roses. But since the day that Agnes gave me a sunflower, nagbago na yung gusto ko. I took a photo with it and replied sa post ni Agnes.

agnesreoma 1:43 pm:  Happy Valentines bff4lyf. 🤟🏻
   | patlasaten Update: Totoo na siya. ❤ Thank you bff4lyf.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon