Part 17

321 5 0
                                    

"Kikiligin na ba dapat ako nyan?"sabi ko sa kanya. Natawa siya bigla.

"Ito naman. Di ka man lang ba nakakaramdam ng konting attraction sa 'kin?"

"Susko. Napaka-conceited mo talaga. Minsan iniisip ko anong gayuma binigay mo kay Raisa at sinagot ka niya. Ang ganda-ganda niya at super talented, tapos sa isang Reoma lang siya bumagsak."

"Grabe mo naman ako i-judge. Si Raisa ang unang nagkagusto sa 'kin. Hindi ako."sabi niya tapos uminom siya ng tubig.

"Ay, taray o. Ganda."sabi ko sa kanya tapos nilagay ko yung kamay ko sa ilalim ng baba niya. Iniwas naman niya agad mukha niya.

"Sa true lang naman. We met through a common friend sa isang gig. Then she got hold of my number and we texted and then nung nasa Manila na ako, we went on dates and ayun. One thing led to another na lang."sabi niya.

"Gayuma."

"What?"

"Gayuma lang ang logical thing kung bakit ka nagustuhan ni Raisa."

"Believe whatever you want. Pero once you are charmed by this Reoma, I am not entirely sure kung makaka-kawala ka pa. Baka kahit anong tigas ng puso mo, lumambot ka."sabi niya tapos pataas-taas pa siya ng kilay. Ang kapal talaga ng mukha nito. Bilib na talaga ako.

"Asa ka. Baka mauna ka pang mahulog sa isang Lasaten."

"Kanino? Kay Bea?"sabi niya kaya binato ko siya ng kutsara pero hindi naman tumama sa kanya.

"Subukan mo lang talagang landiin kapatid ko sinasabi ko sa'yo Reoma!"

"Jusko kumalma ka nga. Loyal ako wifey, don't worry. Ipagpapalit ba naman kita?"

"Gusto mo ihagis ko rin sa'yo 'tong tinidor?" Tinaas naman niya yung kamay niya at nag-peace sign.

Nagligpit na lang din siya ng pinagkainan niya. At habang inaantay ko siya matapos, naalala ko nanaman na magkasama na nga pala kami sa condo by next week. Pero tonight wasn't all bad. I guess we could make living together work. In fairness din naman, malinis yung apartment niya.

"Would you like to stay?"tanong niya.

"Hindi na. Uuwi na rin ako."

"Or ice cream? Do you want to go out for ice cream?"sabi niya.

"Libre mo?"

"Alam mo ikaw, maganda ka sana kuripot ka lang eh."sabi niya. "Oo na. Libre ko na. Pero kotse mo."sagot niya.

"Nasaan nanaman ba sasakyan mo?"

"Nasa kapatid ko sa Fairview kaya wala nanaman akong magamit."sabi niya.

"O siya. Sige na. Pero titingnan ko muna kung andyan na sila Mama. Wala kasing magtitingin ng bahay."sabi ko.

"Alam mo, kanina ko pa yan pinagtataka eh. Aalis ba yan?"

"Pilosopo ka rin eh 'no?"

"Chars lang. Tara na para di ka na gabihin."sabi niya.

Pag-uwi ko naman andun na nga sila Mama. Medyo nagtaka sila kung bakit wala ako pero nung bumalik ako at nakita nilang kasama ko si Agnes, ngiting-ngiti naman si Mama.

"Hi po tita."sabi ni Agnes tapos nagmano siya kay Mama at Papa.

"Hi Bea."dagdag niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Hoy Reoma." Lumapit naman siya sa 'kin at umakbay.

"Bumabati lang ako sa sister-in-law ko. Sobrang selosa mo naman wifey."bulong niya.

"Ikaw ba eh gusto pang bumili ng ice cream o uuwi ka na ng apartment?"tanong ko sa kanya. "At alisin mo yang pagkakaakbay mo sa 'kin baka lalo kang samain."

"So feisty."sabi niya pero inalis naman niya. "Bye po tito, tita. Date lang po kami ni Pat."dagdag niya tapos hinila niya na ako palabas.

Short drive lang naman mula sa bahay papunta dun sa convenience store. Pagdating namin, bumili lang ng ice cream si Agnes tapos nagkwentuhan pa kami ng konti. Nakwento niya na dati nga siyang tumutugtog sa Baguio before she went to study in Manila. At nakwento din niya na marami siyang kapatid at lahat sila musically-inclined. Nakakatuwa rin naman siyang kausap kahit most of the time umiinit dugo ko sa kanya. Pagbalik namin, ibababa ko sana siya sa apartment pero nag-insist siya na maglalakad na lang.

"Sige Pat, mauna na ako. Thank you sa dinner at sa pagsama sa 'kin mag-ice cream."

"Thank you din sa pagbantay sa bahay namin."

"Una na ako."sabi niya tapos naglakad na siya. Sinundan ko lang din siya ng tingin pero bigla siyang huminto at lumingon sa 'kin.

"Alam mo Pat, maybe if we met under a different circumstance, we probably would make a good couple."sabi niya. I smiled.

"Ha. Sabi ko naman sa'yo Reoma, mauuna ka." Ngumiti lang ulit siya.

"Don't get too confident. We're just getting started."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon