"Wala na. Ewan ko baks. I feel lost somehow. Pero, thinking about the way Charlie looked that night and her eyes, wala eh. Wala talaga."sabi ko sa kanya habang kinukuha ko siya ng gamot.
"Hay finally. Nauntog ka rin. Susko."sabi niya. Inabot ko sa kanya yung tubig at yung gamot. "Alam mo baks, tingin ko, that was what you needed. To finally see things for yourself. Yung pag-amin sa'yo ni Charlie was the final step for you to realize na that was not what you wanted anymore. And I'm proud of you."
"Inamin mo na ba sa kanya?"
"Kay Charlie? Oo."
"Eh kay Agnes?"
"Na umamin na si Charlie?"
"Hindi. Na gusto mo na siya."
"Hindi."
"Bakit hindi?"
"Anong sasabihin ko? Ah nga pala Agnes gusto kita. Hindi ba mukha naman akong tanga nun baks? At hindi nga ako sure kung ano to. Parang loving Agnes is the last thing I want to do."
"Eh ano bang problema kung mahal mo na si Agnes?"
"Baks, eto na nga o. Kakagraduate ko lang sa isang katangahan, mag-eenroll nanaman ba ako?"
"Baks, di ka naman sure kung katangahan din yang kay Agnes eh. Di ba? Kasi malay mo may nararamdaman na rin naman siya for you."
"Pero baks, si Jam na nga nagsabi di ba? Agnes is just being Agnes."
"Ganyan ba siya ka-sweet sa lahat ng friends niya? Hindi naman siguro."
"Hindi naman nga, pero..."
"Pero ano?" I sighed.
"Bakla, sumugal ka na kay Charlie ng limang taon, ano ba naman yung sumugal ka ulit?"tanong ulit ni Nicole.
"Eh di nga ako sure kung mahal ko siya eh. Hindi ko nga alam kung ano to eh. Hindi ko na alam mararamdaman ko. Nalilito na talaga ako."
"Nalilito ka kasi bukod sa kayong dalawa yung walang label, yang feelings mo ayaw mo ring lagyan ng label bakla! Kaya ka nalilito, na hindi naman dapat."
"Alam mo kasi baks, ang hirap eh. I want to tell her na nalilito ako, na I'm catching feelings, pero baks, hindi siya madali. Kasi hindi ko alam kung saan ako mas takot eh. Kung mas takot ba ako sa rejection o na malamang gusto niya rin ako and that we need to take this forward."
"Ano talaga kinakatakot mo Pachuchay?"
"Hindi ko alam Nics. Sa totoo lang. Natatakot akong mawala si Agnes. Natatakot akong masaktan ko siya. Natatakot akong mahalin ko siya ng sobra, tapos in the end hindi siya ready sa ganong klase ng pagmamahal. And I'm not sure if I am ready to be that for Agnes. I'm not sure if I am ready to be the one for Agnes. Agnes deserves to be loved by someone who will not get tired. And I am scared na baka hindi ako yun. Love should be sure. And I don't want to have doubts. "
"Then be sure. Baks, sabi ko naman sa'yo. Wala tong deadline. Take things slow if you need to. You're healing and so is Agnes. Don't feel pressured by what others are saying. Minsan kaya tayo nauuwi sa maling tao kasi masyado tayong nagmamadali."sabi ni Nicole. Niyakap ko siya. Ano na lang kaya talaga mangyayari sa 'kin kung wala si Nics?
"What if siya na sana yung tama but I took too much time?"
"Walang tamang tao para sa 'tin Pat. We choose kung sino ang magiging tama. And if we missed them, then it means hindi pa sila yun. The right one will stay."
"Alam mo kasi Pat, you have built such a huge wall around you without knowing you have. Sa totoo lang, the wall was initially set kasi you don't want anyone else to come into your life but Charlie. Kaya ngayon na Agnes is trying to build a door around it, it scares you. Pero ganyan talaga baks. Masasaktan kung masasaktan. Magmamahal kung magmamahal. Love is for the brave di ba nga?" I nodded and I sighed.
"Love is for the brave." Ulit ko.
"So what's your plan now?"sabi ni Nics. I shrugged and took a deep breath.
"Be brave."