Part 167

357 6 0
                                    

Habang nagpapatugtog ako, sumasabay lang din si Agnes sa mga kanta. I smiled when I realized na we are both bopping our heads with the music and I guess we are equally weird kasi sabay din namin kinakanta yung mga instrumentals. Pero mas napangiti ako when I realized how Agnes's eyebrows shoot up when she sings. And though her voice is too soft for me to hear, maganda naman yung boses niya.

Ang cute din niya kapag kumakanta kasi natutuwa ako sa mga facial expressions niya. I think I can watch her all day. Dati naiinis ako sa mukha ni Agnes, but lately I realized how stunningly beautiful she is.

"Baka matunaw ako."sabi niya.

"Ang kapal mo."sagot ko.

"Kunyari ka pa."sabi niya tapos bigla siyang humikab.

"Aji, magstop over muna tayo? Or palit tayo?"sabi ko sa kanya.

"Hindi na. Kaya ko naman."sabi niya. "Pagod ka rin eh."dagdag niya.

"Sige, I won't insist on driving, but we need to have a stop over."sabi ko sa kanya kasi napansin ko na mapungay na yung mga mata niya. She just nodded pero nagpark din naman kami dun sa nearby gas station.

Inaya ko si Agnes na bumaba ng sasakyan para makapagstretch siya and I asked her na magcoffee muna kami. Kaya ayun, we ended up eating and drinking coffee at 1 am dun sa isang coffee shop.

"Aji, promise ha. You're spending New Year's Eve sa bahay."sabi ko sa kanya. Tumango siya.

"Ang clingy mo naman wifey, hindi pa nga tayo naghihiwalay inaaya mo na agad akong pumunta sa bahay niyo." Hinampas ko siya.

"Ow!"sabi niya. Tiningnan ko lang siya ng masama pero ngiting-ngiti pa rin si Agnes.

"Aji."

"What?"

"Can you sit beside me?"

Halatang nagulat siya pero sumunod din naman siya. Pag-upo niya sa tabi ko, I asked her na tumalikod sa 'kin. Halatang nagtataka siya pero sumunod lang din siya. Nung nakatalikod na siya sa 'kin, I gave her a light massage. Alam kong pagod na siya from driving but she wouldn't admit to it. I felt her slightly lighten up. Minamasahe ko siya sa balikat when she suddenly held my hand.

"Thank you wifey."she said quietly.

That touch wasn't even something unfamiliar yet it sent a different kind of sensation down my spine. Hindi ko alam if it's because of the dimly-lit coffee shop, or the music, or her touch. But it was different. A good different.

Pero habang nakahawak si Agnes sa kamay ko, hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot nung narealize ko na uuwi na kami. Somehow I feel na this whole Baguio trip is our mini escape -- from our own realities, from our reservations, from our own fears.

Pero ngayon babalik na kami. Babalik nga ba kami o aalis?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon