Part 15

321 5 0
                                    

At dahil wala na akong problema, umalis na rin ako papunta sa mall. Pagdating ko dun, nakaupo lang si Charlie malapit sa sinehan. Nung nakita niya ako bigla siyang tumayo para salubungin ako. Kahit sa malayo, naaamoy ko na yung pabango niya. Nagulat ako kasi binigyan niya ako nung chocolate na favorite ko.

Pumasok na rin kami sa sinehan. Medyo marami rin palang nanunuod. Akala ko nung una action movie yung papanuorin namin yung pala romcom. Tanda niya pa rin kaya na ito yung genre ng movie na paborito ko?

Nung natapos yung movie, umikot muna kami sa mall. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay-buhay namin. Napagkwentuhan din namin yung sa office ganyan.

"Oo nga pala Pat, di mo pa sa 'kin nakwento kung paano kayo nagkakilala ni Agnes?"

Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo o wag na lang? Pero iniisip ko na baka pag nalaman niyang ikakasal na ako, baka hindi niya na ako kausapin nun. Pero pag hindi ko naman sinabi, baka sa iba niya pa malaman, mas lalo lang siyang mainis. Sasabihin ko ba?

"Mukhang hindi ko pwedeng malaman. Okay lang naman."sabi ni Charlie.

"Hindi naman. Ano kasi... anak siya ng best friend ni Mama."sabi ko.

"Nice. Small world. I actually know Agnes, well, at least not personally."

"Ah, oo. Medyo sikat nga siya. Bakit mo nga pala naitanong?"

"Wala. I just heard so many things about her but I've never met her. I just want to also make sure na safe ka sa kanya."sagot niya. I just smiled at her.

Nag-ikot pa kami sa mall para magpalipas ng oras. Kumain na din kami ng dinner. Ayoko pa sanang matapos 'tong araw na 'to, pero kailangan na rin naming umuwi. Hinatid niya lang din ako sa bahay tapos umalis na rin siya agad. Ewan ko ba, pero iba talaga yung feeling kapag kasama ko siya. Parang lahat magaan lang. Yung parang wala nang makakasira ng araw na 'to.

"HOY PATRICIA!" Except sa kumag na 'to.

"Ano nanamang problema mo Agnes?!"sigaw ko kasi andun siya sa apartment niya. Imagine she's two houses away at nasa 2nd floor pa siya. Susko nakakahiya sa mga kapitbahay.

"Ang usapan natin bibilhan mo ako ng lunch! Anong oras na?!"

"Sorry na. Napatagal kami eh."

"O eh nasaan na yung pagkain ko?"sabi niya. Hala. Oo nga pala. Nakalimutan ko.

"Nakalimutan ko eh. Next time na lang!"sabi ko sa kanya tapos pumasok na ako.

"Pero Pat! Hoy Pat! Teka! Patricia! Te --"sigaw niya habang sinasarado ko yung pinto.

Oo nga pala. Nawala sa isip ko na yun nga pala yung hihingi niyang kapalit para sa chance na makapag-date kami ni Charlie. Pero di bale na, magpapadeliver na lang siguro ako bukas. Umakyat na rin ako sa kwarto ko at humiga na. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod ko. Teka, ano yung tumutunog? Parang galing sa terrace? Ano yun? Bakit parang may tumutunog sa bintana? Bumangon na ako at lumabas sa terrace. Ano ba yun? Parang wala naman. Eh ano ba yung...

"Aray!"sigaw ko. Grabe ang sakit.

"Sorry sorry!"sabi ni Agnes. Tumingin ako sa sahig at nakita ko na ang daming maliliit na bato. Langyang 'to!

"Hayop ka talaga!"sabi ko tapos pinagbabato ko rin siya kaya ilag din siya ng ilag. "BAKIT BA?!"sigaw ko sa kanya.

"Ipagluto mo ako."sabi niya.

"At sino ka para utusan ako?"

"May usapan tayo, hindi ka tumupad. Wala pa akong kinakain mula pa kaninang umaga."sabi niya.

"Eh bakit hindi ka nagpadeliver?"

"Eh sabi mo kasi magpapadeliver ka. Sayang pagkain kung magdodoble."

"Eh bakit hindi ka bumili ngayon?"

"Wala akong sasakyan. Wala ring malapit! Bago ako makarating dun sarado na!"

"Eh di magluto ka."

"Eh hindi..."sigaw niya. "Hindi ako marunong magluto. At wala na akong supplies."sagot niya ng mahina.

"Pat, please. Gutom na ako. Nanghihina na ako sa gutom. Sumasakit na yung tiyan ko. Inaatake na nga ata ako ng gastritis ko."sabi niya. Nakakainis talaga. Gusto lang ako nito asarin eh.

"Bahala ka sa buhay mo!"sabi ko sa kanya sabay pumasok na ulit ako.

Ang tanda niya na hindi pa siya marunong magluto? Paano siya nakasurvive mamuhay ng mag-isa dyan sa apartment niya? O kaya sana nagbukas na lang siya ng delata. Wala nga daw siyang supplies. O kaya sana umalis na lang siya at nagpunta sa restaurant. Pero kasi nga binabantayan niya yung bahay. Ano ka ba naman kasi Patricia bakit mo kinalimutan pagkain niya? Pero tingin ko marunong siya magluto. Inuuto lang talaga ako nun. Pero kanina pa nga siya hindi kumakain.

NAKAKAINIS!!

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon