Part 57

336 7 0
                                    

Pag gising ko nung umaga nakita ko na tulog pa si Agnes siguro late nanaman siya nakatulog dahil sa kapeng ininom namin. I watched Agnes sleep and I realized how peaceful she really looks and yet mukhang pagod na pagod din talaga siya. She was curled up dun sa sofa at dahil medyo matangkad siya sa 'kin, she had to curl up para magkasya. Kawawa rin naman talaga siya. Perhaps we really should get a bigger bed. At dahil kinabahan akong magising siya, pumunta na lang ako ng kusina to prepare breakfast.

Siguro dahil maingay ako or probably dahil naamoy niya na yung niluluto ko, narinig ko na nagising na siya kasi narinig ko na may naglalakad na. Paglingon ko nakita ko na nag-stretching pa siya. Sumakit siguro likod niya mula sa pagkakahiga. Minsan iniisip ko na buti na lang din at di siya mareklamo. Pero minsan naiisip ko na kawawa din naman siya.

Lumapit siya sa 'kin tapos nag-ready na siya ng tubig para sa kape naming dalawa. Napangiti ako nung naamoy ko yung kape nung binuksan niya yung lalagyan. After ilang minutes nilagay na namin pareho sa mesa yung pagkain at yung kape. I looked at Agnes. Kinukusot niya yung mga mata niya. Feeling ko talaga hindi siya nakatulog ng maayos. Tinikman ko yung kapeng ginawa ni Agnes. Ang sarap niya talagang gumawa ng kape.

"Alam mo ang sarap talaga ng coffee mo."sabi ko sa kanya. She smiled.

"Alam mo kung anong mas masarap dyan?"tanong niya.

"Ano?"

"Yung nagprepare."

"Susko Agnes, ang aga mo talaga magkalat. But seriously, masarap nga siya. Di naman talaga ako malakas magcoffee, pero masarap talaga yung coffee na ginagawa mo."

"Alam mo kung anong secret nyan?"

"Ano?"

"Pagmamahal."sagot niya. I scoffed.

"What? Totoo. Anything done out of love would always result to something wonderful."sagot niya tapos humigop siya nung coffee.

"Alam mo for an evening person, ang sipag mong magprep ng coffee ah."

"Ang tawag dyan labor of love. And I like seeing you happy with your coffee in the morning."sabi niya. Napangiti na lang ako. Hindi talaga pwedeng hindi siya babanat at napailing na lang ako.

After namin mag-ayos, lumabas na kami ng unit namin, and I noticed na everytime before we leave, hindi nakakalimutan ni Agnes to check yung faucet and kung may naiwan kaming nakasaksak. In fairness naman sa kanya, very responsible housemate naman siya. Medyo nagulat pa nga ako na kinuha niya yung gamit ko habang papunta kami sa parking. Pagdating sa elevator, naramdaman ko na pasimple niyang hinawakan yung kamay ko. She intertwined her pinky finger with mine. Hindi naman talaga siya holding hands pero it was enough to make me blush. Bumitaw din naman siya once na lumabas na kami ng elevator.

Pagdating namin ng office, nakasabay namin sa elevator si Jam galing sa basement parking. Nag-hello lang din kami tapos sumakay na kaming tatlo sa loob. Medyo marami na ring tao dahil halos 8 am na rin. Pagstop nung elevator dun sa ground floor nakita ko na sumakay si Sasha.

"Uy. Hi Agnes. Good morning."sabi ni Sasha habang ngiting-ngiti siyang bumati kay Agnes. Napatingin tuloy ako kay Agnes at ngumiti lang din siya.

"Hey, by the way, in case you're not busy today, maybe you'd like to come with us for lunch."sabi ni Sasha. I don't know why but I instinctively reached out and held Agnes's hand. Hindi ko rin alam but somehow her hand felt different. Napatingin ako sa reaction ni Agnes pero dedma lang siya. Aba. Sobrang focused naman 'ata niya kay Sasha.

"Sorry but magkakasabay kasi kaming maglunch."sabi ni Agnes habang kumakamot siya ng ulo niya. Nakita ko naman na nagpacute si Sasha. Well. Try again girl. Napansin ko na hindi pa rin nagrereact si Agnes sa pagkakahawak ko sa kanya.

Maya maya huminto na yung elevator sa floor nila Sasha and nakita ko na kumaway siya kay Agnes at kumaway din si Agnes sa kan-- Wait, how did she wave back eh hawak ko yung kamay niya? I followed the hand that I'm holding and I realized na hindi sa kanya yung hawak ko. Napabitaw naman agad ako. When I realized who it was...

Oh my God.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon