Pag gising ko nung umaga nakita ko na nakasandal na si Agnes sa may railings nung balcony at nakatingin lang siya sa malayo. There are days when I would often wonder kung anong iniisip niya. Most days, hindi ko maimagine yung side na 'to ni Agnes. Tumabi ako sa kanya and I placed my arms on top of the railings.
"O you're up."sabi niya sa 'kin habang nakangiti siya. I was surprised with how she looked and for a brief moment, I didn't know how to react. I just looked at her and I tried to stop myself from smiling but I failed.
"Good morning."sabi ko sa kanya. "Did you sleep?"
"Yes. Do you want me to get you coffee?"
"Later na lang."sabi ko sa kanya tapos sabay kaming tumingin sa malayo.
Ang ganda nung view today. Clear skies kaya kitang-kita mo yung mga puno at yung dagat. I'll never get tired of looking at this kind of view.
"Ang ganda 'no?"sabi ni Agnes. Napalingon ako sa kanya and was surprised na sa 'kin siya nakatingin.
"Alin?"
"Yung view."sabi niya sabay ngumiti siya tapos tumingin na siya ulit dun sa dagat.
"Would you like to get married by the beach?"sabi ko sa kanya. "Theoretically."dagdag ko. Ngumiti siya.
"I haven't given it thought."sagot niya. "Ikaw?"
"I guess. I like the sound of the waves eh, and being there feels calming."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang din siya. Medyo nasisilaw ako sa liwanag so I squinted my eyes and nagulat ako kasi natawa si Agnes.
"Ano ba yan, ang liit na nga ng mata mo, nasisilaw ka pa."sabi niya. I glared at her.
"As if naman hindi na ako masisilaw dahil singkit ako."sabi ko sa kanya. Nakita ko na ngumiti siya.
"I didn't know you had brown eyes."sabi niya. Napalingon ulit ako sa kanya, at hindi ko alam kung bakit bigla akong naconscious sa sinabi niya. Paano naman niya yun napansin?
"Alam mo, it reminds me of my childhood."dagdag niya.
"Luh. Anong kinalaman ng mata ko sa childhood mo?"
"Wala. Kasi, naalala ko yung lagi kong pinapanuod and your eyes reminded me of that."
"Alin?"
"Brown eyes black dragon, I summon you!" sabi niya sabay natawa siya. Tinulak ko siya. Bakit ba ako nag-expect na may matino siyang sasabihin?
"Kahit kelan wala ka talagang kwentang kausap eh."sabi ko sa kanya pero tawa pa rin siya ng tawa. "Kesa tumatawa ka dyan, make yourself useful. Kuha mo na nga lang akong kape."dagdag ko.
"Sure wifey."sabi niya nung medyo nahimasmasan na siya. Tapos umalis na siya at lumakad papasok dun sa bahay.
"Wifey."sabi niya mula sa likod ko kaya napalingon ako.
"Ano nanaman?!"
"I may not have seen as much but..."
"... so far I think, yours was the nicest pair of brown eyes I've ever seen."